PINABULAANAN nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na mabubuwag na ang kanilang loveteam at last movie na nilang magkasama sa pelikulang Barcelona: A Love Untold.
Pagkatapos ng matagumpay nilang pelikulang Barcelona, mas gagawa pa sila ni Kathryn ng mas serysosong pelikula. Pero nandiyan pa rin ‘yung kilig at comedy.
“Kung iisipin mo kasi, kung ganyan pa rin ang mga KathNiel, hindi magiging magandang move ‘yung ila-last mo na dahil sobrang daming KathNiels paano mo paghihiwalayin ang KathNiel mismo?” deklara ni DJ sa isang panayam.
Kinalma rin niya ang KathNiel na ‘wag mag-alala. Kabahan na lang sila ‘pag medyo nawawala na talaga. Pero kung hindi rin titigil ang KathNiel sa pagsuporta, hindi rin sila titigil.
Kung sakaling magkaroon man sila ng hiwalay na proyekto, hindi naman nangangahulugan ‘yun na mag-iiba rin sila ng ka-loveteam.
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro