Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, blessed pa rin kahit ‘di nakapagtapos ng pag-aaral

WALANG kamali-malisya si Daniel Padilla sa pagsasabi na ‘patigas ng patigas’ ang relasyon nila ni Kathryn Bernardo dahil sa walang sawang pagsuporta ng kanilang mga tagahanga.

Puwedeng isipin na ang gustong tukuyin ng aktor ay ‘going strong’ ang relasyon nila. Rito bumalik ang tsika na hindi raw nakabubuo ng isang pangungusap ang aktor sa wikang English dahil hindi ito nakapagtapos ng high school man lang. Lalong tumindi ang aming paniniwala na hindi paninira ang tsikang ‘yun sa aktor dahil siya mismo ang umaming malaking hamon sa kanya ang papel sa Barcelona, A Love Untold dahil karamihan sa kanyang mga eksena ay nagsasalita siya ng English.

Inamin nitong bobo siya sa English kaya naman umabot siya ng 400 takes sa mga eksenang kailangang magsalita ng Ingles. Isang dahilan ito para ‘yung mga mahahabang linya ay inigsian para maayos na mai-deliver ng aktor.

Well, hindi man nakapagtapos ang aktor ay well- blessed naman siya dahil sa ngayong henerasyon ay siya ang pinakasikat, left and right ang endorsements at sunod-sunod ang shows. Idagdag pa ang kanilang kinita ni Kathryn noong nakaraang election bilang endorser ni Mar Roxas.

And speaking of Barcelona, malapit na itong ipalabas sa mga sinehan nationwide, kaya lang, gaano naman katotoo ang tsikang ‘lukewarm’ umano ang reception ng madlang pipol sa movie?

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …