Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie at Maja, may ‘something’ na nga ba?

AYAW namin sakyan ang ‘pa-eklay’ umano nina John Lloyd Cruz at Maja Salvador na ‘we’re just friends,’ kapag tinatanong kung sila na ba base sa mga picture na ipino-post sa kani-kanilang Instagram. Kaya naman, without much adeu, ‘ika nga, nag-PM kami kay Madam Suzette Arandela na kasalukuyang nasa USA at ini-enjoy ang annual one month vacation.

Natanong namin siya kung anong vibes niya sa closeness nina Lloydie at Maya, sa tulong ng kanyang tarot cards. nasabi

Ani Madam Suzette, may nabuo ng ‘something’ ang dalawa pero hindi pa masyadong malalim. Hindi niya kinompirmang magtatagal ang dalawa sa kanilang relasyon at lalong hindi hahantong ang dalawa sa altar.

Sa ngayon, wala pang pag-amin ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon pero hindi maitatago sa kanilang kilos na may ‘something’ sa kanila. Natural lang naman na pag-isipan ang closeness ngayon ng dalawa dahil madalas na silang napagkikita na magkasama.

Heto na ang twist, totoo kaya ang balita na dahil puro nauuwi sa hiwalayan ang pakikipagrelasyon ng actor ay may banta umano ang kampo ni Maja na ipaghihiganti ang kanilang idolo kapag pinaglaruan niya ito tulad ng nangyari sa mga babaeng nakarelasyon niya.

Well, Lloydie is a good catch, jackpot si Maja ‘pag nagkataon! Paaak!
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …