Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Osang, pinasok na rin ang pag-arte

MULA sa pagiging mahusay na mang-aawit, nais subukan ng Pinoy X Factor Israel na si Rose “Osang” Fostanes ang pag-arte sa ‘Pinas.

Minsan na rin ngang umarte si Osang sa kauna- unahan niyang pelikula sa Israel na nakatakdang ipalabas bago magtapos ang taon na ginampanan niya ang isang Pinoy OFW na napadpad sa Israel.

Dito nga nalaman ni Osang na nakakaarte siya. ”At first nagdawang-isip talaga ako na tanggapin ‘yung movie, kasi hindi naman ako actor dahil singer ako.

“Pero sinabihan ako ng director at producer na halos pareho raw sa totoong buhay ang gagampanan ko, isang OFW na nagtatrabaho sa Israel.

“So ako naman sabi ko, subukan ko, ‘pag ‘di ko nagawa magku-quit ako. Kaya noong first shooting day kabado talaga ako, pero after ng unang eksena ko sinabihan ako ng director na nakakaarte raw ako.

“Hangang sa nakasanayan ko na at naging okey na ako sa mga sununod na taping.”

Pero kahit gusto ngang pasukin ni Osang ang pag-arte ay hindi naman daw nito tatalikuran ang pag-awit lalo na’t ito talaga ang kanyang first love.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …