Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lito a.k.a “Motor” dapat habulin ng BIR

ISA sa dapat habulin, imbestigahan ng Bureau of Internal Revenue ang gambling capitalista sa Quezon City na si Lito, alias “Motor.”

Ang mama ang nasa likod ng isang malawakang operasyon ng illegal numbers game sa area ni Mayor Bistek Bautista. Ito ay ang pasugal na lotteng bookies, EZ-2, 12 number games at ang 1-3-7 na jueteng.

Ang mga pasugal de bookies ni Lito, alias “Motor” sa area ng Quezon City Police District (QCPD) ay hindi isang lehitimong negosyo. Ito ay isang illegal na 1602. Kahit isang sentimo ay wala  siyang binabayarang tax sa city government ng Quezon City at sa BIR.

Sa mga operating units ng PNP siya nagbabayad ng ‘padulas de weekly intelihensiya.”

PANGALAN NI CPNP GAMIT NI LITO @ ‘MOTOR?’

KUNG may katotohanan na ginagamit ng gambling capitalista ni Lito, alias “Motor” ang pangalan ni chief PNP, director general Ronald “Bato” dela Rosa sa kailegalan, dapat ay ipahuli na agad ng heneral ang kanyang operasyon ‘gambling bookies’ sa Quezon City.

SHADOW NI LITO @ “MOTOR” SA PNP-CAMP KARINGAL

MADALAS daw makita o matanaw ang anino ng gambling lord na si Lito, alias “Motor” sa compound ng Philippine National Police sa Camp Karingal sa Quezon City.

Ano kaya ang ginagawa niya sa nasabing kampo?

Dinadalaw kaya niya ang tanggapan ng isang PNP-official sa Camp Karingal, ang QCPD-DSOU?

Ang nasabing tanggapan ang madalas daw ngayon i-namedrop ng gambling lotteng bookies lord na si Lito, a.k.a “Motor de 1602.

Para sa kaalaman ni CPNP director general Ronald “Bato” dela Rosa at QCPD-OIC, Senior Superintendent Eleazar, isa lamang si Lito, alias “Motor” sa buong Quezon City na tinaguriang “King” ng mga sugal de numero na pa-lotteng bookies. May pasingit pang-jueteng.

Hindi lamang ang mama ang hari ng illegal number games sa area ng Quezon City Police District. May hari ng video karera, hari ng sakla, hari ng illegal terminal, hari ng mga sauna bath de prostitutions.

May kabuntot pa!

BAKIT HAPPY SA CAVITE?

HAPPY na naman daw si Lody Atienza dahil open ang pergalan sa Amaya Uno, sa Tanza, Cavite.

Sa lalawigan ng Cavite, isang major Ikawat ang ipinagyayabang daw ni Lando, alias “Bulag” para makakolekta ng weekly payola sa gambling lords sa nasabing probinsiya. Ginagamit daw ni Lando @ Bulag ang command ng Cavite-PNP sa Imus. Si SPObox Reyes ang bagman de pitsa.

Dahil matagal nang closed ang pergalan ni Egay, ang kina Manny at Kap. Sonny ang open sa lalawigan ng Cavite. Iyan ay sa harap ng Zeus sa Binakayan, Kawit; Malabon, Gen. Trias; Barangay Kiskisan sa Tanza, Barangay Tejero (beside Robinson place), Gen. Trias at GMA, Cavite kay Junjun.

E-mail address: [email protected]

CRIMEBUSTER – Mario Alcala

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mario Alcala

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …