Sinusubukan ng isang magsasaka ang PAC 801 Hybrid Rice sa kauna-unahang beses, masayang umaasa na de kalidad ang makukuha niyang butil ng bigas mula rito.
PABAGO-BAGONG klima at ang nakababahalang global warming—nangyayari na ito saanman sa mundo. Dahil dito, nagkakaroon ng napakalalakas na bagyo at nakatatakot na tagtuyot. Sa isang bansang may tropikal na klima gaya ng Filipinas, ang ganitong mga hindi inaasahang pagbabago sa panahon ay nakasasama sa agrikultura, partikular na sa produksyon ng bigas.
Kamakailan, kinalaban ng mga magsasaka ang El Niño, na nagdala ng tagtuyot at pagkasira ng lupa, kaya naapektohan at bumaba ang produksyon ng bigas.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magiging normal na ang kondisyon ng panahon pagtuntong ng Hulyo. Gayonpaman, dahil sa global warming at climate change, kailangan maging handa ng mga magsasaka sa mga pagbabagong maaari pa nitong harapin.
Dahil naapektohan ng tagtuyot ang produksiyon ng palay, nangangailangan ang mga magsasaka ng isang “hybrid rice seed” na may kakayahang tumubo, tag-ulan man o tagtuyot. Nakita ng Taipan Brand Farm, Inc. (TBFI) ang pangangailangang ito, kaya’t inilabas nila ang PAC 801 (NSIC MESTIZO 60), isang hybrid rice seed mula sa Advanta Seed International (ASI).
Inilunsad at ipinakilala ang hybrid rice seed sa iba’t ibang probinsya sa Filipinas, bilang katuparan sa pangako ng TBFI at ASI na pagbibigay ng de-kalidad na produktong agrikultural sa Filipinas.
Mula Mayo hanggang Hunyo, ipinakilala ang butil na sa mga magsasaka sa Luzon—Occidental Mindoro, Bicol, Nueva Viscaya, Isabela, Pangasinan, Bulacan at Nueva Ecija; sa Visayas—Leyte at Iloilo; at sa Mindanao—Lanao del Norte, Agusan del Sur at North Cotabato.
Sa paglulunsad, iprinesinta ng TBFI ang mabuting dulot ng pagpili sa PAC 801 Hybrid Rice: kakayahang tumubo ano man ang panahon, maraming ani, at magandang kalidad.
“Ang PAC 801 Hybrid Rice ay maaaring tumubo tag—ulan man, tag-araw, pati tagtuyot. Pabago-bago man ang klima, kayang-kayang tumubo ng butil na ito,” ani Tim Bontoyan, General Manager ng TBFI.
Kayang umani ng 220 kaban bawat ektarya ng PAC 801, patunay na ito ay isang produktibong butil para sa mga magsasaka saan man sa bansa.
Sa kalidad, may haba na 7.33 millimeters ang butil ng bigas ng PAC 801. Mas kaunti ang starch ng mahahabang butil ng bigas, kaya’t mas mainam ang sinaing nito.
Tinuruan rin ang mga magsasaka kung paano ang tamang pagtatanim ng PAC 801 Hybrid Rice. Ibinahagi sa kanila ang tamang pangangalaga ng butil, paglaban sa mga peste, at tamang fertilization at pag-ani.
Kilala ang Taipan Brand Farm Inc. sa mga de kalidad na produktong agrikultural.