Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, iginiit na walang pa-star sa kanila habang isinu-shoot ang Barcelona: A Love Untold

PINAG-UUSAPAN na ang halikan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Barcelona: A Love Untold na regalo sa kanilang fans. Mas matured at nararamdaman ngayon ang relasyon ng KathNiel.

“Kung ano ang nakikita niyo sa screen, sa tulong na rin ng limang taon. Kung paano kami magtinginan ni Kathryn, siyempre, sa mga eksena na kailangan kami na may tingin ng pagmamahal. At siguro dahil na rin ‘yun sa limang taon,” deklara ni DJ.

“Siguro, ito na ‘yung movie na  mababalik namin sa five years na suporta sa amin ni Kathryn.Ito na siguro ‘yung regalo namin sa kanila, para ipakita ang pasasalamat namin sa limang taong suporta sa amin,”  bulalas pa ni Daniel.

“’Yun nga, five years na… itong movie na ‘to, talagang magandang regalo para sa KathNiels at sa kanilang lahat. Kasi, aside from the kissing scene, ang daming kailangang abangan,” sey naman ni Kathryn.

Amimado rin naman si Daniel na matinding katrabaho si Direk Olive Lamasan.Biro nga niya ay naka-40 takes siya lalo na sa pag-i-English. Iniisip niya kasi ang emosyon niya, iniisip pa niya ang linya niya.

“Ang hirap talaga ng eksena roon, hangga’t pinipiga ka, pinipiga. Ilalabas at ilalabas, hangga’t bukas ang puso mo kay Inang, hangga’t open ka sa kanya.Kapag sinarado mo, walang mangyayari,” sambit pa ni Daniel.

Sinabi pa ni Daniel na walang big star habang nagsu-shoot sa Barcelona. Walang space para magkaroon ng star doon. Kahit sila ay nagiging staff and crew. Pero na-enjoy naman nila dahil isang team sila at bonding talaga sila.

Hindi naging madali ang shooting  nila sa Barcelona. Hindi smooth araw-araw. Apat na oras lang daw ang tulog nila. Pagod sila emotionally at physically pero tiyak na matutuwa ang fans nila dahil ipinakita ang magagandang lugar sa Barcelona. Worth it naman daw ang lahat ng hirap dahil espesyal ang naturang pelikula.

Boom!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …