Saturday , November 23 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Masasamang panaginip

Hello po Sir,

Ako po c Emily, pls, pls,pls po dnt publish my cp, medyo mahaba po text ko dahil marami akong panginip. Una po, parang binabangungot po ako s mga pnaginip ko kasi nakakatakot mga dream ko. Madalas din ako managinip ng zombies at multo, minsan may patayan, minsan naman kabaong, pati pusang itim napanaginipan ko rin, d po ba malas ibg sbhn nito? Bakit po ganun mga panaginip ko? Sana po ay mabsa ko reply nyo, salamat po sir

To Emily,

Kapag sa panaginip ay binabangungot ka, ito ay nagsasabi ng mga pagmamalabis sa mga bagay-bagay sa iyong buhay. Kailangan mong maghinay-hinay at hayaan ang iyong isipan at katawan na magpahinga at magpagaling sa mga sakit na natamo nito. Posible rin namang may kaugnayan ito sa mga kinatatakutang bagay kasama na ang may kaugnayan na malayo naman sa reyalidad tulad ng napanood na pelikula at TV o narinig o nabasang kuwentong nakakatakot. Alternatively, maaaring nagsasabi rin naman ito ng setbacks sa iyong goals sa buhay. Dapat matutong tanggapin ang mga negatibong bagay na dumarating sa iyo at gawin itong positibo.

Ang panaginip ukol sa zombies ay nagpapakita ng kawalan o kakulangan mo ng pakikipag-ugnayan sa mga kaganapan sa iyong buhay at mga taong malapit o nakapaligid sa iyo. Maaari rin na ito’y nangangahulugan din ng kawalan ng emosyon sa pang-araw-araw na buhay mo, na ginagawa mo lang ang mga bagay-bagay dahil kailangan ito ng routine ng iyong buhay. Makabubuting alisin ang mga negatibong elemento sa iyong paligid at ibaling sa mga magagandang bagay ang iyong isipan. Ito ay maaaring nagsasaad din ng ukol sa pag-iwas mo sa mga bagay na hindi ka tiyak kung ano ang magiging kasagutan o kaya naman, kung ano ang magiging kahihinatnan, kaya ganito ang naging tema ng iyong bungang-tulog. Subalit dapat harapin ang mga bagay na ito upang magkaroon na ng closure. Posible rin na ang isa sa rason ng panaginip na ganito ay dahil sa napanood mong pelikula o dahil sa paglalaro mo ng plants vs. zombies, lalo na kung ginagawa mo ito bago matulog. (Itutuloy)

isipan, nabasa sa libro o pahayagan o kauring bagay, napanood sa TV o sa sine at iba pang mga bagay na na-encounter natin bago tayo natulog, sa mga nakaraang araw o linggo, at may mga ilang pagkakataon din na sadyang matagal nang karanasan na animo de javu na nagbalik lang sa ating kaisipan at pananaw sa buhay sa pamamagitan ng panaginip. Dito kadalasang nanggagaling ang bunga ng ating panaginip at siyang pangunahing sanhi o direksiyon ng mga bagay na lumalabas sa ating panaginip. Tanadaan sana na hindi dahil napanaginipan mo, ito ay maaaring mangyari. Sakaling magkagayon man, ito ay kadalasang nagkakataon lamang. Makabubuting umiwas sa mga nakakatakot na bagay, lalo na kung malapit nang matulog. Tulad ng panonood o pagbabasa ng mga nakakatakot na palabas o libro. Makabubuting bago matulog ay alisin sa iyong kaisipan ang mga negatibo at di magagandang bagay. Sa halip, ibaling ang mga ito sa magagandang bagay at alaala. Mas mainam din na bago matulog ay uminom ng isa o dalawang basong tubig at magdasal.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *