Monday , December 23 2024

Vice Mayor Maca Asistio nagbilin sa informal settlers

082616 Maca Asistio ABESCO condo
MAGKAKATUWANG na inihulog nina Vice Mayor Maca Asistio, ABESCO Engr. Raymond Paul Alonzo at Darling R. Arizala, ang kapsula para sa groundbreaking ceremony bilang hudyat ng pagpapatayo ng 11 gusaling condo-type housing project para sa mga informal settlers na dating naninirahan sa mga mapanganib na lugar sa loob ng Caloocan City. (BONG SON)

Hiniling ng Caloocan Vice Mayor sa mga benepisyaryo ng pabahay sa Camarin, Caloocan, na gampanan ang kanilang bahagi para sa ikatatagumpay na nakamit ng Homeowner’s Association ng Blue Meadows.

Sa groundbreaking and thanksgiving ceremony ng Blue Meadows sa Barangay 175, ipinahayag ni Vice Mayor Macario “Maca” Asistio ang kanyang galak sa proyekto ng asosasyon sa pangunguna ng presidente na si Darling Arizala.

Inihayag ni Asistio ang kanyang kahilingang pangalagaan ng mga residente ang itatayong 11 gusali.

“Sana ‘yong mga beneficiary ay magbayad nang tama para maging smooth-sailing ito,” ani Asistio sa mga tenant na nakatakdang magbayad ng 1,370 piso kada buwan sa loob ng 25 taon.

Dumalo sa seremonya ang mga kaagapay ng HOA ng Blue Meadows: ang Social Housing Finance Corporation (SHFC), ahensiyang nagpautang ng P186 milyon sa asosasyon; at ang ABESCO Construction and Development Corporation, kompanyang napili ng asosasyon bilang kontraktor ng proyekto.

Bukod sa bilin ng vice mayor, nakiusap si Allan Catura, representatib ng SHFC, na panatilihing malinis at maayos ang nasasakupan ng Blue Meadows.

Samantala, hiling ni ABESCO President Benjamin Alonzo ang magandang epekto ng proyekto para sa buong Barangay 175. Aniya, “Sana maging model community ang Blue Meadows.”

Tiniyak ni Arizala, makalilipat ang 496 tenants sa Blue Meadows sa Agosto 2017.

(Joana Cruz at Kimbee Yabut)

About Joana Cruz Kimbee Yabut

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *