KINUWESTIYON ni Sen. Grace Poe ang mga proyekto ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa weekly news forum na Kapihan sa Manila Bay sa Malate, Maynila, kahapon ng umaga.
Sa kanyang unang full-blown press conference si-mula nang pagkatalo niya sa nakalipas na eleksiyon, pabirong tinawag ni Poe na ‘schizophrenic’ ang MMDA dahil sa halo-halo nitong proyekto na sinasabi niyang walang kinalaman sa trabaho sa trapiko, impraestruktura, at serbisyong pampubliko.
“Relief operations ba ang MMDA, public works, o ano?” tanong ni Poe.
Mungkahi niya, magkaroon ng “central traffic agency” o pambansang ahensi-yang mamamahala sa trapiko sa bansa.
Binanggit ni Poe ang Metro Manila Film Festival (MMFF), isa sa mga proyekto ng MMDA na ginaganap taon-taon na aniya’y sakop ng ahensiyang pangkultura.
Ayon sa kanya, hindi ito dapat sakop ng MMDA sapagkat nagiging plataporma ito ng paggawa ng kabulastugan.
Bukod dito, ipinahayag ng chairperson ng Public Order and Dangerous Drugs ang pagkadesmaya niya sa paggamit ng ilang kandidato sa MMDA bilang ‘stage’ sa kanilang pangangampanya.
nina Joana Cruz at Kimbee Yabut