Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drugs dead

2 sangkot sa droga utas sa pulis (2 tulak patay sa drug bust)

PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang “Oplan Sama-Sama” operation sa magkahiwalay na lugar kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Kinilala ni Sr. Insp. Joseph Godovez ang unang napatay na si Guillermo Hernandez, alyas Gimo, 40-anyos, residenge ng 333B Gov. Pascual, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat nina PO3 Rolando Hernando, PO2 Roldan Angeles at PO1 Aaron Blanco, dakong 3:20 pm nang mapatay si Hernandez sa buy-bust operation sa Gov. Pascual corner Gulayan St. ng nabanggit na lungsod.

Habang dakong 5:05 pm, napatay ang suspek na si Edgardo dela Cruz alyas Egay ng Gozon Compound, P. Aquino St., Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod, sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ni Chief Insp. Carlos Dilag ng Station Anti-Illegal Drugs Operation Task Group (SAID-SOTG).

( ROMMEL SALES )

2 TULAK PATAY SA DRUG BUST

PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng droga nang makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Sta. Cruz, Maynila.

Napatay ng mga pulis sina alyas Totoy at alyas Usher II kamakalawa ng gabi sa 961 Quezon Blvd., H. Cano Compound, Sta. Cruz, Maynila.

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Joana Cruz at Julyn Formaran )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …