HINDI na magtataka ang sino man kapag humiling ka ng yakap. Hindi na rin maiistorbo ang iyong mga magulang sakaling nais mo ng makakasama sa gabi.
Ang inyong mga kaibigan ay palaging nandiyan hanggang sa magkaroon sila ng sarili nilang pamilya.
Kaya ano ang nararapat na gawin kapag sa malungkot na sandali ay kailangan n’yo ng yakap? Bakit hindi kayo umuwi para sa inyong paboritong sofa at tiyak na bubuti ang inyong pakiramdam.
Si Lee Eun Kyoung ang designer sa likod ng Free Hug Sofa. Nakabase sa South Korea, kinikilala niyang maraming mga tao ang malungkot sa kanyang bansa.
Halimbawa, libo-libong mga tao ang nagbabayad para mapanood ang video ng ibang mga tao habang kumakain, upang maramdaman nilang hindi sila mag-isang kumakain.
Ito ang perfect society para sa hugging chair. Sa overstuffed design at dalawang malaking fuzzy arms, ang Free Hug Sofa ay ganap na mayayakap ang uukupa rito.
Kahawig ng Wookie ng Star Wars, na si Chewbacca, tiyak na ito ang inyong magiging bagong best friend. Katulad ni Han Solo.
Dalawang taon idinesenyo ni Lee ang Free Hug Sofa. Ang sofa and cushion (tawag sa mga braso) ay fully customizable na maaaring igalaw sa ano mang hugis na naisin ng gagamit nito.
Ang Free Hug Sofa ay makatutulong sa mga taong nangangailangan ng kasama, at mainam din sa mga maysakit at nanghihina.
Ito ay available sa red, gray, at white. Bagama’t ang ideya ay medyo nakatatawa, ang disenyo ay tumanggap ng papuri mula sa international community.
Ang Free Hug Sofa ay tumanggap ng bronze medal sa 2015 A’Design Award competition.
Sa kanyang acceptance speech, inulit ni Kyoung, 28-year-old graduate ng Hongik University sa Seoul, ang kanyang pahayag na ang sofa ‘will hold you warm and soft like your mother, friend, and a lover.’ (WEIRD ASIA NEWS)