Saturday , November 23 2024

A Dyok A Day: Utos ng ‘taksil’ na mister

ISANG teenager na 16-anyos ang umuwi ng kanilang bahay na sakay ng isang  Chevrolet Avalanche…

Gulat na gulat ang kanyang mga magulang kaya hindi nila napigilan ang mapasigaw habang tinatanong ang kanilang anak…

“Saan mo kinuha ‘yang truck na ‘yan?”

Mahinahon na sumagot ang teenager: “Binili ko po, ngayon lang.”

Parents (in unison): At saan ka naman kumuha ng pera? Napakamahal niyan!

Teenager: Murang-mura lang po, halos P500 lang!

Parents: At sino namang ‘gunggong’ ang nagbenta sa iyo ng ganyang truck sa ganoong halaga?

Teenager: ‘Yun, ‘yung babaeng nasa kal-ye, nakikita ninyo? Hindi ko pa siya kilala, kalilipat lang nila. Nakita niya akong nakasakay sa bike at tinanong ako kung gusto kong bumili ng Chevrolet Avalanche sa halagang P500.”

Sabi ng nanay sa tatay: “Naku baka child abuser ‘yan! Baka sa susunod kung ano na ang gawin niyan sa anak natin. Tingnan mo nga ‘yun, Juanito.”

Tumawid nga sa kabilang kalye ang tatay saka nakipag-usap sa babaeng nagbenta ng Chevrolet Avalanche sa kanyang anak.

Nakita niya ang babae na nagtatanim ng mga Petunias.

Sa madaling sabi, nagpakilala ang lalaki na siya ang tatay ng teenager na binentahan niya ng Chevrolet Avalanche at tinanong kung bakit.

Sagot ng babae: “A ganoon ba? E kasi tumawag kanina ang asawa ko na ang akala ko ay nasa business trip pero nalaman ko sa isang kaibigan na nagpunta na pala sa Hawaii kasama ang kabit niya at wala nang planong bumalik. Ang sabi niya, na-stranded siya at na-ngangailangan ng cash kaya ipinabebenta niya ang kanyang Chevrolet at ipadala raw sa kanya ang pera. ‘Yun ang ginawa ko!”

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *