MASUWERTE talaga ang pagbabalik ni Meg Imperial sa ABS-CBN 2. Pagkatapos siyang mapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano, ay nagging instant millionaire pa siya nang manalo ng P1-M jackpot prize sa ABS-CBN’s game show na Minute to Win It.
Sa Sabado, bongga naman ang exposure niya sa Kapamilya Network dahil tampok siya sa Maalaala Mo Kaya.
Si Meg ang kauna-unahang contestant na nanalo ng P1-M.
“I’m very thankful. I can’t believe that I won P1-M because I told myself I would just enjoy the game. It’s my first time to be invited here, and this happened,” reaksiyon niya.
Napanalunan ni Meg ang total cash prize na P1,070,000 pagkatapos nitong talunin ang indie actor na si Kiko Matos sa isang Head-to-Head Challenge.
May tinapos ding indie movie si Meg entitled Higanti with Assunta de Rossi, Jay Manalo, Katrina Halili, Jon Lucas, Alwyn Uytingco, at DJ Durano.
Malakas din ang negosyo nilang mag-ina sa Naga City na Timeless Beauty Salon and Spa.
Bongga!
TALBOG – Roldan Castro