Saturday , November 23 2024

Richard Yap, ayaw ma-pressure sa magiging resulta ng Mano Po 7

IPINAGKATIWALA ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde sa tsinitong actor na si Richard Yap ang bagong installment ng Mano Po 7: Tsinoy na isa sa successful franchise ng Regal Films.

Ang Mano Po ay brainchild ni Mother Lily. Nais niyang ibahagi sa publiko ang Chinese traditions na kinamulatan niya noon pa man hanggang ngayon. Eh, kilala rin ang Regal producer sa mga paggawa ng pelikulang tumatalakay sa pamilya subalit sa kakaibang presentasyon na hindi pa nagagawa sa history ng local films.

Mula nang ilabas ang unang Mano Po hanggang sa Mano Po 6 noong 2009, ang dami nang humihiling sa Regal na muling gumawa ng bagong kuwento nito. Kaya naman nang magdesisyon ang mag-inang lumikha ng bagong installment, si Richard ang napili nilang magbida na isa ring Filipino-Chinese. This time, sa kuwento ng isang Chinese patriarch iinog ang istorya.

Kaya naman sa pagbibidang ito ng Fil-Chinese actor sa MP 7, tanging siya lang ang artistang lalaking bibida sa franchise. Makakahanay na niya sina Susan Roces, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Lorna Tolentino, Maricel Soriano, Kris Aquino, Zsa Zsa Padilla, Angel Locsin pati na ang mga premyadong actor gaya nina Christopher de Leon, Jay Manalo at iba pa.

Excited na si Richard sa MP 7 na malaking acting break sa kanya. Magsisimula na ang principal photography  nito na kukunan sa China ang malaking bahagi ng pelikula. Ilan sa makakasama ni Richard sa pelikula ay sina Jean Garcia, Janella Salvador, Enchong Dee, Marlo Mortel, Jana Agoncillo, at Eric Quizon. Mula ito sa direksiyon ni Ian Loreños .

Ayaw munang isipin ni Ser Chef kung ano ang magiging resulta ng MP 7 at kung paano mapapantayan ang mga naunang Mano Po. Nandoon ang pressure dahil nakasentro sa kanya ang istorya at gusto rin niyang tuloy-tuloy ang tagumpay ngMano Po.

“I will just do my best and hope that God will take care of the rest,” deklara niya.

Sa kabilang banda, tinanong si Richard kung ano ang stand niya bilang Tsinoy sa isyu sa West Philippine Sea na pinag-aagawan ng China at Pilipinas?

“Alam mo kasi..feeling ko nasa ano natin ‘yan, eh, nasa loob talaga ng Pilipinas ‘yan, eh. Ang mahirap lang ay marami ang nagki-claim sa area na ‘yun. Kailangan mag-usap talaga ang Pilipinas at China about it. I think hindi naman nila gagawin na.., kasi ‘pag inaway nila tayo, hindi lang tayo ang concerned, eh. Ang daming makikialam diyan kasi ang dami rin nilang kalaban. Kailangan lang mapag-usapang mabuti,” sambit niya.

Ang puso ba niya ay nasa Pilipinas?

“Oo, saan naman ako pupunta? Hindi naman ako tatanggapin doon,eh Hindi naman ako Chinese passport, eh “ pakli pa niya sabay tawa.

Boom!

***

UKOL sa bakery ang sentro ng katatawanan kahapon sa Goin’ Bulilit sa ABS-CBN 2. Mayroong segment na Anong Pinagkaiba, Hay! Tatay,  Pugon gags, Ibat-ibang klase ng Hatsing, Matandang Buhay.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *