Friday , April 25 2025
crime scene yellow tape

Pulis na rape suspect sinibak

INIUTOS ni Northern Police District (NPD) director, Sr. Supt. Roberto Fajardo ang pagsibak sa tungkulin sa isang bagitong pulis na nanghalay sa isang babae sa Caloocan City noong Agosto 5, 2016.

Bukod sa pagsibak sa tungkulin, inatasan din ni Fajardo si Sr. Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan City, na bawiin ang service pistol at police badge ng pulis na si PO1 Emmanuel Carpio, nakatalaga sa Sub-Station 2.

“I am upset and dismayed upon hearing the incident, this is an isolated case and as District Director I assure the CAMANAVA (Caloocan-Malabaon-Navotas-Valenzuela) community that this incident will not be tolerated,” ani Fajardo.

Base sa nakalap na impormasyon mula sa Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Caloocan City Police, naganap ang panghahalay sa loob ng bahay ng pulis.

Ayon sa ulat ng pulisya, inimbitahan ng suspek na si Carpio ang 22-anyos biktima na mag-inoman kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.

Ngunit nang makaalis na ang ibang mga katagay ginahasa ng pulis ang biktima.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Neri Colmenares

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice …

042425 Hataw Frontpage

10 pulis-QC sibak sa ibinangketang ‘Marijuana’

ni ALMAR DANGUILAN SINIBAK sa puwesto ang sampung pulis ng Quezon City Police District (QCPD) …

Vico Sotto

Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal

MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si …

Joey Salceda

Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors

LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *