Sunday , April 27 2025

Bebot, ex-tanod utas sa vigilante

BINAWIAN ng buhay ang isang babae at isang dating tanod na hinihinalang sangkot sa illegal na droga makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala  ang mga napatay na sina Cristine De Luna, 29, ng Phase 5, Flovi Homes 2, Letre, Brgy. Tonsuya, at Ricky Alabon, 44, caretaker ng cell site at residente ng 69 Orange Road, Brgy. Potrero, kapwa ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, habang naglalakad si De Luna sa  Block 9, Lot 42, Phase 4, Flovi Homes 2, Letre nang lapitan ng isa sa tatlong hindi kilalang mga suspek at siya ay pinagbabaril.

Samantala, ayon kina SPO2 Jerry Dela Torre at PO2 Benjamin Sy Jr., dakong 11:00 pm nakikipagkuwentuhan si Alabon sa mga kaibigan sa Orange Road nang pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang mga suspek.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *