Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PNP Neuro-Psychiatric Section: Showroom for genuine public service

ANOTHER  PNP senior officer  is showing its public clientele the true delivery of public service — he is PSupt Ronald Santos, MD , the current chief of the PNP Neuro –Psychiatric  Section at the PNP General Hospital!

Ang nasabing doktor ay na-meet ko “by chance in his office where I knocked to personally see him.”

Dati na akong galing sa NP Section para kunin ang resulta ng NP test ko na requirement sa application ko para sa LTOPF.

Noong dumating ang promised date na inilagay nila noong nasa SM Mega Mall ako to take advantage of the PNP caravan as announced, I personally went to the NP Section and was able to get my result.

Palibhasa kasabay kong nag-apply ang isang kaibigang taga-Batangas, na nag-request na pakikuha na rin ang resulta niya kalakip ang isang awtorisasyon, ipinakiusap ko na rin sa isang pulis na lalaking nakasibilyan.

Ang turan sa akin ng pulis, kailangang ‘yung tao mismo ang pumunta dahil mag-i-interview pa siya.  Kaya naman nitong nakaraang linggo (Martes to be exact) isinama ko ang kaibigan ko at hinanap namin ang resibo ng kanyang pinagbayaran sa NP test noon sa SM Mega Mall, na iniwan ko sa kanyang pag-iingat noong una akong pumaroon.

Itong  si ‘pulis’ pilit na hinanap ang resibo na sinabi kong iniwan ko sa kanya noong nakaraan pang walong araw at ‘ika ko ini-stapler pa nga niya sa isang brown envelop na may nakasulat na pangalan ng aking kaibigan.

Nauwi  ito sa pagtatalo at sabi ko nga puwede ko bang makausap ang hepe mo?

Sa madali’t salita nakapasok ako sa opisina ni PSupt Ronald Santos at ipinaliwanag ko na hindi na makita ng ‘pulis’ niya ang resibo kaya’t hindi mai-interview ang aking kaibigan na madaling araw pa umalis ng Batangas para lang magpa-interview sa NP screener.

Nalaman ni PSupt Santos bandang huli na ang iginigiit kong nasa pag-iingat nga ng NP Section ang hinanap naming resibo ay nandoon nga.  Pinakilos kasi ni Doctor Santos ang kanyang mga tao para lang mahanap ang nawawalang resibo. Pati ang duplicate ng resibo ay pilit ipinakuha ni Doc Santos sa Finance Section ng PNP at dumating naman, tiyempong nakita rin ng mga staff niya ang hinahanap na resibo.

Habang kami ay nagkukuwentohan ni Doc Santos habang hinihintay ang resulta ng kanyang mga ipinapagawa sa kanyang mga tao, inalok ako ng isang boteng malamig na tubig at sabi ay “magpalamig po muna kayo, sir.”

Ang gesture na ito ng hepeng doctor ang naglusaw ng galit at yamot ko sa kanyang ‘pulis’ na sa pakiwari ko ay walang puwang para magsilbi sa isang opisinang tulad ng NP Section.

Ang public clientele ng NP Section, kung hindi ako mamamali ay umaabot sa 200 hanggang 300 katao araw-araw at ang umaasikaso sa mga aplikante ng LTOPF sa opisinang ito ay hindi sapat ang puwersa.  Kasama na ang mga napansin kong kakulangan ng computer sets at pati na ang advance technology na dapat ay naka-sync lahat ng kanilang computer for easy retrieval system or immediate queries.

Nabangggit ko kay Doc Santos na mag-request siya ng manpower sa DPRM ng NHQ PNP at kung maaari ay dagdagan ang plantilla positions para sa kanyang opisina to enable them meet the required production and efficient output of his office especially so that the required NP test for gun applicants is here to stay…for a longer period, if I may say so.

Nasambit ko  ito kasi noong naging Chief ako ng NUP personnel sa Maritime Group noong binubuo pa circa 90, manpower pooling with the end in view of meeting the administrative/clerical duties of the non-uniformed personnel  is quite not a walk in the park— administration – wise.  Choosing the right person for a specific task or job is not easy…sabi nga sa Supervisory Course na itinuturo ko noong Chief, NUP Training Branch noon sa PC/INP C8 Division… “a round peg in a round hole!”

Pero sa productive communication namin ni Doc Santos sa maigsing oras na nandoon ako, hindi malayong ang Neuro-Psychiatric Section ng PNP General Hospital ang magpapamalas sa publiko kung ano ang tunay na serbisyo-sibil.

Hindi lang bilang self-generating  income office ngunit isang showroom ng tunay na pagtingala sa pangangailan ng mga publikong aplikante  na nagnanais magkaroon ng patas na pagtingin mula sa isang huwarang “public servant” tulad ni PSupt Ronald “Doc” Santos, MD.

SOUNDING BOARD NI KOYANG – Jesus Felix B. Vargas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jesus Felix Vargas

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …