Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Career ni Myrtle, umarangkada nang mawalan ng BF

HAVEY ang career ngayon ni Myrtle Sarrosa kung kailan wala siyang boyfriend. Mukhang nakabuti pa na hiwalay na sila ni Bryan Llamanzares, anak ni SenatorGrace Poe.

Bagamat wala silang closure ay aminado siyang marami siyang natutuhan ‘pag tungkol sa love ang usapan. Matured na ang pananaw niya na kung dati ay galit na galit siya kay Bryan ngayon ay nagpapasalamat siya sa mga karanasan, good memories, at pagmamahal na ibinigay sa kanya.

“I’ve finally moved-on and I’m pretty grateful na he was a chapter of my life and kinonek ko na sa next page.” Promise pa ng dalaga, ”Kapag may lovelife na po ako, hindi ko itatago, sasabihin ko po sa inyo. Sa ngayon po, wala po talaga,”deklara niya sa presscon ng Sisters Sanitary Napkin & Pantyliners na siya ang bagong endorser.

Medyo kinabahan at may takot factor si Myrtle nang malaman niyang si Maja Salvador ang pinalitan sa nasabing produkto.

Marami rin ang bilib kay Myrtle dahil kahit abala siya sa kanyang career, hindi pa rin niya pinababayaan ang pag-aaral. Senior Broadcast Communication student siya sa UP Diliman at running for cum laude pa. Sa December daw magtatapos ang singer-actress.

Bukod sa ilang acting projects, ipino-promote pa ni Myrtle ang kanyang album.

Swak kay Myrtle  ang bagong ad campaign ng Sisters para sa tulad niyang estudyante. Ibinabahagi raw niya rito ang kanyang vision at passion bilang working student. Ito ay tinatawag na Sisters’ School Is Cool na nagbibigay inspirasyon sa mga estudyante na tapusin ang kanilang pag-aaral at abutin ang kanilang mga pangarap.

”We want to promote education,” aniya.

Makakasama ni Myrtle sa nasabing ad campaign ang mga member ng Hotlegs na sina Nesh, Labb, Cath, at Alex sa I Love My Sisters Mall Concerts na magpe-perform sila sa mga mall nationwide katulad sa  Aug. 6 sa SM Baguio, Aug. 20 sa SM Rosales Pangasinan, at Aug. 21. Magiging parte rin ang I Love My Sisters Mall Concerts sa  Kadayawan Festival na gaganapin naman sa Gaisano Grand Mall sa Davao sa Aug. 19.

Abangan din ang Sisters’ Day na may temang We Are One, We Are Sisters sa Aug. 7 na gaganapin sa Starmall Alabang. Makakasama nina Myrtle  ang Gimme 5 na binubuo nina Nash Aguas, Joaquin Reyes, John Bermundo, Brace Arquiza, at Grae Fernandez.

TALBOG –  Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …