Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miho Nishida, ‘di nakapagsalita nang makaeksena sina Bayani at Karla

NAIINTINDIHAN ni Miho Nishida, Big Winner ng Pinoy Big Brother 737 kung bakit nag-voluntary exit si DJ Chacha sa Pinoy Big Brother –Vietnam.

“Actually naiintindihan ko siya sa part ng nakalulungkot. Kasi nakaka-overthinking naman talaga sa bahay ni Kuya. Nakaka-overthinking, OT, ‘yung parang nakaka… kahit wala namang nangyayari napapaisip ka ng negative. Nakaka-OT, actually OT, nakaka-OT naman kasi.

“Pero ako ‘yung ginawa ko lang sa bahay ni Kuya, lumaban talaga ako ng bonggang-bongga. Kahit malungkot, nalulungkot na ako, naho-homesick na ako.

“Kasi parang ganoon din ang nangyari sa akin. ‘Di ba ibang bansa ‘yung Vietnam ? Ako rin, laki akong Japan pero umuwi ako ng Philippines, ‘yung parang hindi mo… kasi hindi naman talaga po ako lumaki rito sa Philippines.

Pero nilabanan ko ‘yung lungkot, nilabanan ko ‘yung lahat ng emosyon na negative sa akin para lang makayanan ko sa loob ng bahay ni Kuya, kung ano pa ‘yung makakayanan ko. Kung ano pa ‘yung maipakikita ko sa madlang people, sa mga tao na hindi lang ito ‘yung kaya ko, actually ‘yung ganoon.

“So, talagang masasabi ko lang, laban! Laban lang at saka tatag ng loob,”reaksiyon niya nang makatsikahan namin sa taping ng Funny Ka, Pare Ko.

Sina Miho at Tommy Esguerra ang bagong sahog sa cast ng  Funny Ka, Pare Ko na tinatampukan nina Karla Estrada at Bayani Agbayani na napapanood tuwing Sunday sa Cine Mo! channel ng ABS-CBN TV Plus.

“Masaya po ako, at saka mayroon din pong sinusubaybayan ‘yung  fans sa amin every Sunday ng 9:00 p.m. so parang nakikita na rin po kami ng mga tao,” reaksiyon niya.

Inamin ni Miho na natulala siya sa first taping nila habang kaeksena sina Karla at Bayani.

“Hindi po ako nakapagsalita! ‘Yung talagang isang simpleng linya mo lang hindi mo masabi kasi nga naninigas ka sa takot.Parang kinakabahan ako na naninigas ako na wala ako sa sarili ko na nate-tense.Talagang ganoon. Kinakabahan po talaga ako ng bonggang-bongga!,” sey pa niya.

Pinuri naman ni Bayani si Miho, para raw siyang si Maria Teresa Carlson(yumaong actress- comedianne) sa pagco-comedy.Natural daw itong umarte.

“Ay, ang saya! Siyempre masaya naman po kasing pakinggan ‘pag galing po sa sikat na artista, na veteran na artista tapos sila ‘yung magsasabi sa iyo ng good advise so super-masaya para sa akin,” reaksiyon pa niya.

Sinabi ni Miho na si Angelica Panganiban ang idol niya.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …