Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagsasama nina Alden at Jen sa serye, ‘di na tuloy

BIKTIMA ng bashers sa social media si Alden Richards nang mga makikitid ang utak sa pagbisita niya at pagbati ng happy birthday kay Nay Cristy Fermin. May kinalaman siguro ito sa post niya sa Twitter na ”Don’t worry about other people’s opinions of you. God never told you to impress  people, only to love them.”

Pati ang kabaitan ni Alden ay pinagdududahan ng mga madidiwara.

Tweet din niya ang quote ni Mother Teresa: ”If you’re kind and people may accuse you of ulterior motives… Be kind anyway.”

Anyway, hiningan ng opinion si Alden sa post sa blog ni Maine Mendoza na hindi niya kailangang i-please ang lahat ng tao. At siyempre, ang basa  ng karamihan ay  hindi rin niya kailangang pakisamahan ang entertainment press.

Sey ni Alden, irespeto na lang kung anuman ang opinyon ni Maine dahil hindi naman ito taga-showbiz.

Anyway, mukhang hindi na talaga matutuloy ang pagsasama nina Alden at Jennylyn Mercado sa isang teleserye dahil may tsikang nagpapa-audition na umano ng magiging leading man ni Jen sa gagawin niyang bagong teleserye.

Ang sabi kasi ni Alden ay may plano na ang creative team at management nila ni Maine tungkol sa gagawin nilang teleserye. Hindi lang siya makapagbigay ng detalye.

Nai-share rin niya sa press na nag-celebrate sila ni Maine sa Spiral resto sa Sofitel after noong anniversary ng AlDub loveteam. Doon laging dinadala ni Alden si Maine dahil ‘yun ang safe zone nila.

Tinatapos ngayon ng Pambansang Bae ang kanyang second album sa GMA Records pagkatapos ng 7X Platinum niya sa Wish I May album.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …