Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy, nag-inarte at nag-primadonna sa Surigao

HINDI kagandahan ang ipinakitang attitude umano ni Jessy Mendiola at nag-inarte raw sa dinaluhang event sa Surigao Del Sur.

Nabuwiset ang kaibigang Jobert Sucaldito sa ipinakitang kaartehan daw ni Jessy. Lima-lima raw ang dalang bodyguards from Butuan to Carrascal kasama pa ang road manager at isa pang assistant niya. Walo raw ang entourage kaya dapat ay may sariling van na walang ibang kasamang artists.

Personal daw na sinundo si Jessy ng alkalde sa Butuan airport at dinala sa mansion bilang special treatment. Personal na inasikaso ang lunch niya pero hindi na lumabas ng kuwarto. Nagpakuha na lang daw ng pagkain. Lumabas noong dinner na pero mahigpit ang pagbantay sa kanya at halos hindi magpakuha ng pictures.

Ayon pa sa kuwento ni Jobert, big deal daw sa kampo ni Jessy na gustong maging finale samantalang nandoon si Billy Crawford na mas mataas ang antas ng career kaysa kanya. Bukod dito totoong singer si Billy samantalang siya ay wala pa namang title talaga bukod sa pagiging FHM Sexiest.

Ipinagdiinan ng assistant niya na ‘yun daw ang usapan. Aba’y ibang klase rin ang kampo ni Jessy, sa mga kapistahan mas gusto pa ngang mauna ng mga big star na isalang at nakikipag-unahan pa kaysa mahuli  dahil baka umalis na ang tao at pagod na.

“Roon na ako nagalit, masyado siyang prima donna. Nang makarating sa kanila na nagagalit na ako, at saka lang nila na-realize na mali sila. Akala nila ay makakaya nila kaming ilagay sa bulsa nila.” Hanggang sa pumayag na raw si Jessy na huwag nang mag-finale, parte pa ng post ni Jobert sa kanyang FB account.

“Ito ang mga tipong mabilis malaos, walang pakisama. Ang gusto niya siya ang nasusunod sa lahat. ‘Pag siya ang nakatuluyan ni Luis Manzano, ano kaya ang magiging relasyon niya kay Vilma Santos? Hindi kaya ingudngod siya ni Ate Vi sa inidoro?,” dugtong pa niya.

Ano kaya ang comment ng kampo ni Jessy dito? Lumaki na ba talaga ang ulo niya?

Bukas ang panig ng kampo niya sa isyung ito.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …