Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Raymond, masusubok ang galing sa pagpareha kay Aiko

CHALENGE kay Raymond Cabral na maging leading man ni Aiko Melendez sa advocacy film na Tell Me About Your Dream. Ito ay sa ilalim ng Golden Tiger Films na pag-aari ni Ms. Tess Gutierrez at pamamahalaan ni Direk Anthony Hernandez. Isasali ang naturang proyekto sa film festivals sa Sydney, Australia, at Orange Film Festival sa Turkey.

Gagampanan ni Raymond ang isang OFW mula Japan, samantalang si Aiko ay misis niya na isang teacher na magtuturo sa mga Aeta.

“Actually masaya po, first time kong makakasama sa trabaho si Ms. Aiko sa pelikula. Kaya parang kinakabahan na excited po ako rito, beteranang aktres na kasi siya at award-winning pa.

“Hindi po maiiwasang kabahan po ako, kaya gagawin ko talaga ang lahat, para magampanan ng maayos iyong role ko rito,”  bulalas ng actor.

Naging bahagi si Raymond ng seryeng We Will Survive na gumanap siyang kapatid ni Jeric Raval.

Nakatapos na rin siya ng dalawang indie films . Bida siya sa Amalanhig na isang horror film at mula sa direksiyon ni Jun Posadas. Ang isa pang nagawa niya’y another advocacy film titled Sa Isang Iglap ni Direk Neal ‘Buboy’ Tan.

“Sobrang thankful po na nagkasunod-sunpod ang proyekto ko at sana po ay magtuloy-tuloy pa. More blessings pa sana, more projects at malayo tayo sa mga sakit, laging healthy,” deklara pa ng alaga ng kaibigang Throy Catan.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …