Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagmamano ni Alden sa ama ni Maine, inayawan nga ba?

UMIYAK na naman si Alden Richards pagkatanggap ng 6x at 7x Platinum Award para sa kanyang album na Wish I May.

Makahulugan ang kanyang speech na ‘kahit pinagdudahan siya sa tandem nila ni Maine Mendoza ay nariyan pa rin sila at hindi sila bumibitaw. Kahit may mga nagsusulsol na iba ay kumapit pa rin sila.’

Sey nga ni Marian Rivera kay Alden, ang mga tunay na fans, kahit anong paninirang marinig, hindi siya iiwanan.

“Pikon na pikon na ako sa sarili ko, napakaiyakin ko,” sambit pa ni Alden.

Anyway, obserbasyon ng karamihan, muling uminit ang popularity ng AlDub dahil sa nakakikilig nilang pelikulang Imagine You & Me. Malaking factor ‘yung movie  nila na bumalik sa rati ang kasikatan ng loveteam nila.

Samantala, talk of the town ang na-post na video sa social media na inayawan ng tatay ni Maine na magmano si Alden. May caption na “Tinuturuan tayo ng magandang asal #ALDUB1stAnniversary”.

Mapapanood  sa video na hawak na ni Alden ang kamay ng ama ni Maine para mag-bless pero hinigpitan ang pagkamay nito kaya hindi natuloy. Sigaw ng Aldenatics, nabastos ang Pambansang Bae sa kabila ng pagbibigay respeto. Harap-harapang ipinahiya umano si Alden. Bakit ginawa ng tatay ni Maine kay Alden ‘yun?

Ayaw ba ni Papa Dub kay Alden? Bakit ayaw niyang magpamano bilang pagbibigay pugay? Nagpapakita si Alden ng paggalang pero bakit ganoon ang treatment sa kanya?

Anyway, bukas ang column na ito para sa panig at paliwanag ng father ni Maine.

Regarding sa hindi nagpamano ang tatay ni Maine kay Alden, sey  ng isang nakapanood ng video parang hindi naman ipinahiya kasi kinamayan niya. Parang ayaw daw pagmanuhin si Alden kasi baka hindi  sanay sa ganoon ang ama ni Maine.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …