Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hinding-hindi kita pababayaan — mensahe ni Alden kay Maine

EMOSYONAL ang AlDub sa pagdiriwang sa unang taong anibersaryo nila sa KalyeSerye ng Eat Bulaga noong Sabado. Nagpasalamat sila sa AlDub Nation na hindi bumitaw at nawala ang suporta sa kanila.

May mensahe si Maine sa first anniversary nila, “Alden, isang taon na tayo. Ang bilis ng mga pangyayari sa buhay natin. Nagbago, nagbago ang lahat simula noong July 16, 2015 noong magkita tayo. Ang daming nangyari, pero ‘yung buhay natin, nagbago in a good way, eh! Parang himala, lahat ng nangyari sa buhay nating dalawa.”

Dagdag pa ni Maine, “Gusto kong malaman mo na kahit anong mangyari, mayroon ka talagang special spot sa puso ko, hindi na mawawala ‘yun kahit anong mangyari.”

Nagpasalamat din si Alden kay Maine.

“Kapag nakikinig ka sa mga sinasabi ko sa ‘yo, sa mga problema ko. Sana huwag tayong magbago sa isa’t isa, roon sa mga naniniwala sa ‘tin, huwag natin silang pabayaan,” deklara ng Pambansang Bae.

Emosyonal pang sabi ni Alden. “At saka ako, siguro talagang ginusto ng Diyos na magkakilala tayong dalawa, para mangyari lahat ng ito. At huwag kang mag-alala, Menggay, hinding-hindi kita pababayaan,” sabay ‘di mapigilang tumulo ang luha.

Sinabihan din siya ni Maine na ‘wag na malungkot at ngumiti na.

Talbog!

Pasabog na animation

TODO na ang masasaksihan sa King of the Notes sa July 24, 9:30 p.m. sa White Bird  Entertainment Bar, #715 Boulevard Galleria, Roxas Blvd. Baclaran, Paranaque City. For reservation and inquiries, maaaring tumawag sa 851-2088 o 851-2089.

Animation ang pasabog nila ayon sa Visor nilang si Gretta Locca (09291282504). Puwedeng kontakin si Gretta at si Gellie Imperial, Head Manager (09215571113) para sa mga modelo/GRO na gustong mag-apply. Dapat young, good looking, sexy body, tall at tipong the boy next door.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …