Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James, thankful sa asawang ‘di Nang-iwan sa kanya

INILAGLAG si James Blanco ng isang kaibigan na sinabihan niya ng sikreto. Nagkuwento siya ng mga bagay na pagkakamali niya dahil gusto niya ay maging Christian pero ibinulgar ng friend niya sa mismong asawa ni James.

“’Yung magpapakita sa ’yo na kaibigang-kaibigan ka pero ilalaglag ka, ‘di ba?’Pag kaibigan ka..iba ‘yung usaping mag-asawa. Ang kaibigan ay hindi nanghihimasok sa mag-asawa lalo na kung past mo na, naikuwento mo lang,” bulalas niya.

“Bilang kaibigan kasi, hindi ako masisira sa ‘yo..sa pera, sa lahat ng bagay,” dagdag pa niya.

Tinanong siya ng press kung nangaliwa rin ba siya? Dumating ba sa point ng buhay niya na nambabae siya?

“Alam niyo, hindi ako nagmamalinis na tao. Pero may mga pagkakataon na nagkakamali ka. Aminado naman ako na nagkamali ako at hiningi ko ‘yun ng tawad sa Diyos at sa asawa ko. Siyempre, noong mga panahong ‘yun ay bata ka pa,” tugon niya sabay napalunok sa tubig na iniinom.

Naniniwala si James na ‘pag inulit ang pagkakamali ay hindi na siya mali. Nagbago naman daw siya at pinagsisihan na niya ‘yun.

“’Pag nagkamali ka na,’wag mo nang ulitin,” sambit pa niya.

Thankful siya sa asawa niya dahil never siyang iniwan. Pinalaki raw kasi ang wife niya na relihiyosa.

“Nagpapasalamat ako sa asawa ko kasi malamang broken family na kami. Kawawa ‘yung mga anak ko. Siyempre, kumapit pa rin’yung asawa ko. Pinanindigan pa rin niya ‘yung pangako namin,” deklara pa niya.

Anyway, may first indie movie ni James, ang Pilapil na entry sa ToFarm Film Festival na nagsimula noong July 13 hanggang July 19. Gala night sa July 17, Sunday 6:30 p.m. sa SM Megamall.

Sa kanila ni David Remo umiikot ang istorya. Nahirapan siya dahil summer kinunan ang pelikula kaya mainit sa bukid. Pero na-enjoy daw niya ang mga fight scene niya sa pelikula.

Iniwan ni James ang bukid para makipagsapalaran sa Maynila at kumapit sa patalim. Ayaw umasa ni James na mananalo siya ng best actor sa performance niya sa Pilapil. Bonus na lang daw ‘pag nag-win siya. Pero kakaiba raw ito dahil nakita niya ang dedikasyon ng kanyang director na si Jose Johnny Nadela.

“Pinag-aralan kong mabuti ang karakter ko kasi medyo kakaiba ito sa rati kong ginampanan. First time kong mag-action. Nanood din ako ng old Hollywood at local movies natin. Physically at emotionally, inaral kong mabuti ang script at ang hinihingi ng karakter ko,” sambit niya.
TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …