MGA datihang imports ang sasandigan ng Meralco Bolts at Star Hotshots sa kanilang kampanya sa PBA Governors Cup na mag-umpisa ngayon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Kay Allen Dirham aasa ang Bolts na makakatunggali ng Phoenix Petroleum sa ganap na 4:15 pm. Ibinalik naman ng Star ang dating Best Improt na si Marqus Blakely na magpupugay kontra Mahindra sa ganap na 7 pm.
Ang Bolts ni coach Norman Black ay nakaabot sa semifinals ng nakaraang Commissioners Cup subalit natalo sa Alaska Milk. Hanggang quarterfinals lang ang inabot ng Star.
Ang iba pang pambato ni Black ay sina Jared Dillinger, Cliff Hodge, Jimmy Alapag at rookies Chris Newsome at Baser Amer.
Mga beterano naman ng Star ni coach Jason Webb sina James Yap, Peter June Simon, Marc Pingris, Mark Barroca at Ian Sangalang.
Ang Phoenix ay hawak ngayon ng bagong coach na si Ariel Vanguardia na humalili kay Koy Banal. Kinuha ni Vanguardia bilang import si Marcus Simmons
Import naman ng Mahindra Enforcers si James White, Kapwa hindi umabot sa quarterfinals ng nakaraang conference ang Phoenix at Mahindra.
Bukas ay lilipat naman sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ang mga laro kung saan magkikita ang Blackwater at NLEX sa ganap na 4:30 at magsasalpukan ang Barangay Ginebra at Globalport sa ganap na 6:45 pm.
Ibinalik ng Blackwater si Eric Dawson na makakatapat ni Bill Walker ng NLEX. Kinuha naman ng Gin Kings ang dating Tropang TNT import na si Paul Harris na makakatunggali ni Dominic Sutton.
Sa Linggo ay magpupugay naman ang San Miguel Beer kontra sa Phoenix sa ganap na 4 pm at magtatapat ang Alaska Milk at Meralco sa ganap na 6:30 pm.
Ang Beermen ay pamumunuan ng nagbabalik na si Arizona Reid samantalang ang Aces ay sasandig kay LaDontae Henton.
Sa Miyerkoles ay magkikita ang Commissioners Cup champion Rain Or Shine at Tropang TNT sa ganap na 7 pm matapos ang 4:15 pm paghaharap ng Globalport at Mahinda sa Araneta Coliseum. Kinuha ng Elasto Painters ang dating Ginebra import na si Dior Lawhorn samantalang pinapirma ng Tropang Texters sai Mario Little.
ni SABRINA PASCUA