ANG sense of smell ay sinasabing powerful thing, ito ay naghihikayat ng iba’t ibang emosyon, inihahatid o hinahatak tayo sa ating nakaraan, at sa magagandang ala-ala.
Ang bango ng ating childhood foods, ang singaw ng salt air sa dalampasigan… alin man sa mga ito ay maaaring maging malakas sa paghatak sa atin pabalik sa ating mga emosyon na naramdaman natin sa puntong iyon ng pagiging komportable, malaya at masaya.
Ang Feng Shui ay hindi lamang kung ano ang hitsura ng espasyo at kung ano ang pakiramdam natin dito; ang bango, textures at sounds ay nagtatakda rin ng espisipikong mood.
Gumamit nang wastong pabango bilang bahagi ng Feng Shui sa inyong entry way. Salubungin ang mga bisita ng bango ng oranges, mint, o ng lutong mga pagkain.
Ang banyo at kusina ay dalawang logical places para sa welcoming scents. Huwag maglalagay ng scented candles sa kusina o ano mang bagay na tatakip sa natural na bango ng nilulutong pagkain, na mainam at kaiga-igaya. Madalas na magluto, upang mapasigla ang kalan – isa sa tatlong mahalagang erya sa Feng Shui – at punuin ang bahay ng kabanguhan.
Sa banyo, ang bango ng lavender, rosemary at iba pang herbs ay makatutulong sa iyo sa mga bisita sa pagre-relax.
Maaari kang maglagay ng pabango sa alin man space upang maparami ang chi. Ikonsidera ang paglalagay sa isang bowl ng oranges (na ikinokonsidera rin bilang swerte sa Feng Shui) sa dining room table, o maglagay ng maliit na potted evergreen sa hallway.
Gumamit ng pabango mula sa sariwa at natural na sources. Mairerekomenda ang real incense (hindi ang artificially scented sticks na matatagpuan sa malls o mass marked stores), live herbs, o prutas upang mapuno ang tahanan ng bango at iwasan ang toxic artificial scents mula sa room deodorizers.
ni Lady Choi