Sunday , December 22 2024

Giyera kontra droga ni Digong, biktima ng sensationalism?

00 Abot Sipat ArielNAKAPAPASONG isyu ngayon ang kaliwa’t kanang pagpatay ng mga alagad ng batas sa mga hinihinalang nagtutulak at adik sa ilegal na droga. Maraming nagsasabi na pulos ‘duluhan’ ang biktima o maliliit na sangkot lamang sa narkotrapikismo.

Dahil sa sitwasyong ito, napansin ni Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Policy Studies Group Head Jose Goitia na mistulang bukas na target ang pakikipaglaban ng bagong administrasyon sa kriminalidad at ilegal na droga kung ibabase sa ginagawang sensationalism mula sa report sa telebisyon, pahayagan at radyo.

Idiniin ni Goitia na naiuukit sa kamalayan ng mamamayan ang ipinaiiral na sensationalism sa pag-uulat ng pakikipaggiyera ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilegal na droga at kriminalidad.

Diin nga ni Goitia, chairman din ng PDP-Laban Membership Committee National Capital Region (NCR): “Sa unang linggo pa lamang ng Duterte administration, binaterya na ang publiko ng news reports tungkol sa pagpatay sa drug personalities. Samantala ang mga natamong tagumpay Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP) na nakakumpiska ng malaking halaga ng ilegal na droga at daan-daang nagsisuko ay hindi nabibigyan ng kaparehong diin kagaya ng ginagawa nila sa mga patayan na natural ay mas nakagugulat at nakaaagaw ng pansin.

“Kaya hindi na tayo dapat magtaka na mas nakikita ng human rights advocates ang nakaririmarim at madugong eksena kaysa lehitimong law enforcement operations na ginagawa para mapuksa ang salot na droga. Sa ipinalalabas nilang war on drugs ng administrasyon, nagmimistulang out of control na ang mga aksiyon ng pamahalaang Duterte na halos dalawang linggo pa lamang nakaupo sa kapangyarihan.”

Iginiit ni PDP-Laban NCR Council President Abbin Dalhani na wala namang malinaw na ebidensiya ang mga ipinalalabas ng media na nag-uugnay sa extrajudicial killings ng drug personalities sa lehitimong operasyon ng PNP kaya nangangamba siya na maaaring ‘naglilinis’ ang mga drug syndicate upang malansi ang mga awtoridad at mapagtakpan ang higit pang malalaking isda na nasa loob ng burakrasiya ng gobyerno.

Kinukuwestiyon din ng tubong Mindanao na si Dalhani ang mga kritiko ng administrasyong Duterte na nagsasabing tanging ang mahihirap at small time drug peddlers lamang ang pinapatay, gaya ng mga naunang ulat.

Dagdag ni Dalhani, “Pero kung oobserbahan natin, matindi ang ginawang pagbubulgar ng Pangulo sa limang police general na drug protectors. Ipinakita lamang ng administrasyong Duterte na walang sacred cow sa kanilang determinadong pakikipaglaban upang puksaing tuluyan ang salot na droga sa lipunang Filipino. Napagbuklod na nga ni Pangulong Duterte ang pakikipagtulungan ng bawat isa pati na rin ang Communist Party of the Philippines para mahuli ang mga drug lord.”

ABOT SIPAT – Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *