Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Career ni Jen, mas angat kaysa kay Marian, pinipilahan pa para makapartner

IKINOKOMPARA ngayon ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. May nagtanong kasi kung magka-level na sila ng talent fee at posisyon sa GMA 7.

“Wala namang kompetisyon,”  mabilis na pahayag ni Jennylyn.

Maganda raw ang relasyon ng mga Kapuso star dahil hindi pumapasok ‘yung competition sa kanla, bagkus nagkakatulungan at nagkakakuwentuhan ‘pag nasa backstage.

May nagsasabi na mas angat na ang career niya kay Marian dahil nakapila ang mga pangunahing leading men para maka-partner siya. Pagkatapos nina John Lloyd Cruz, Derek Ramsay, Sam Milby, Jericho Rosales ay si Coco Martinnaman ang napapabalitang makaka-partner niya. Tapos sa serye napapabalita rin na ang pinakasikat na actor na si Alden Richards ang leading man niya.

“Wala akong nararamdamang kompetisyon. Pareho-pareho lang kami. Ang importante, nagagawa namin ng mabuti ‘yung trabaho namin at saka happy ‘yung mga tao,” bulalas niya.

Itinanggi rin ng kampo ni Jennylyn na may malaking alok sa kanila ang ABS-CBN 2 para lumipat.

Komportable raw siyang mag-work sa GMA at ito ‘yung comfort zone niya.

Wala ring kompirmasyon si Jennylyn na gagawin niya ang My Love From The Other Stars series with Alden. Hindi pa raw niya alam pero kung sakali ay willing naman siyang makasama si Alden sa serye.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …