ANG major clue sa potensyal na pagiging epektibo ng feng shui ay kung ang iyong problema ay nagsimula makaraan ang paglilipat ng bahay o makaraang magsagawa ng pagbabago sa bahay.
Tingnan kung maaari mong i-ugnay ang epekto ng paglilipat sa iyong emosyon sa feng shui ng inyong bagong bahay.
Ang isa pang clue ay ang kasaysayan ng inyong bahay. Kung ang ilang mga dating nanirahan sa nasabing bahay ay nakaranas ng kaparehong mga problema (halimbawa, bankruptcy, divorce or ill health), i-tsek ang feng shui ng inyong bahay at tingnan kung mayroong matutukoy na dahilan o sanhi.
Kung walang ginawang paglilipat o pagbabago sa bahay, maaaring walang kaugnayan ang bahay sa nasabing mga problema, ngunit maaari pa ring mapabuti ng feng shui ang mga eryang ito ng inyong buhay na nangangailangan ng atensyon.
Minsan, kailangan lamang ng kaunting pagbabago sa inyong enerhiya upang magkaroon ng malaking pagbabago sa inyong buhay.
ni Lady Choi