Friday , June 14 2024

A Dyok A Day: Hindi kumakain ng mga hayop sa gubat

ISANG lalaki ang naglalakad sa kakahuyan pero huli na nang namalayan niyang siya ay naliligaw.

Sa loob ng dalawang araw wala siyang ginawa kundi ang umikot nang umikot para hanapin kung nasaan ang daan palabas sa kakahuyan.

Sa panahong iyon ay walang kinakain o iniinom man lang hanggang abutin nang ma-tinding gutom ang lalaki.

Sa isang batuhan, nakita niya ang isang Agi-la. Pinatay niya ito saka inumpisahang kainin.

Nasa ganoon siyang kalagayan nang ma-tagpuan siya ng dalawang park rangers, agad siyang inaresto dahil sa pagpatay ng isang uri ng hayop na unti-unti nang nauubos.

Sa hukuman, sinabi ng lalaki na inosente siya sa kasong isinampa laban sa kanya.         Aniya, hindi siya kumakain ng mga hayop na ipinagbabawal galawin. Noon lang niya nagawa iyon at kung hindi niya kinain ang Agila, baka siya ay namatay sa gutom.

Nagdesisyon ang hukom pabor sa akusado.

Sa kanyang pagtatapos, inutusan niya ang lalaki,

“Bago kita pawalan nang tuluyan, may gusto akong sabihin mo sa akin. Hindi pa ako nakakakain ng Agila sa aking tanang buhay at wala akong plano na kumain. Puwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang lasa nito?”

“You Honor, napakasarap, parang pinagsamang tagak at kuwagong gubat.”

Huli!

About hataw tabloid

Check Also

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

The Department of Science and Technology Regional Office X recently made strides in its mission …

Eye Mo Moist ken chan

Eye Mo Moist: A must-have item during Silent Outbreak Dry Eye Disease (DED)

Dry eyes disease (DED) is currently emerging as a rapidly spreading but unnoticed epidemic. It …

Puregold CinePanalo

Sa pagbabalik ng Puregold CinePanalo:
7 FULL-LENGTH TATANGGAP NG P3-M GRANT

ITINODO pa ng supermarket chain na Puregold ang adbokasiyang kampanya nito–ang Puregold CinePanalo Film Festival, sa pamamagitan ng paghahandog …

Komisyon sa Wikang Filipino nakiisa sa Mental Health Awareness Month

Komisyon sa Wikang Filipino, Nakiisa sa Mental Health Awareness Month

Bilang pakikiisa ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Mental Health Awareness Month, isinagawa ang Mental …

Philippines-China award, a flagship of friendship

Philippines-China award, a flagship of friendship

SIX outstanding Filipinos were honored Friday night as the 2024 laureates of the Awards for …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *