Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PacMan walang balak lumaban sa Oktubre

KATEGORIKAL na sinabi ni Eric Pineda, business manager ni Manny Pacquiao na todo-pokus ngayon ang Pambansang Kamao sa kanyang trabaho bilang Senador ng bansa at walang balak na lumaban sa Oktubre gaya nang kumakalat na balita.

Matatandaan na may reserbasyon si Bob Arum ng Top Rank sa Mandalay para sa Oktubre 15 ng posibleng comeback ni Pacman kontra umano sa mapipili kina Adrien Broner, Terrence Crawford o Danny Garcia.

Si Pacquiao ay abala ngayon sa kanyang political career pagkaraang magretiro nitong taon pagkatapos makumpleto ang trilogy nila ni Timothy Bradley.

Inamin ni Pineda sa isang interview ng isang pinagpipitaganang broad sheet na todo nga ang ginagawang pagkumbinsi sa Pambansang Kamao na bumalik sa ring sa Oktubre para sa nasabing reserbadong petsa ng laban.  Pero tinanggihan ito ni Pacquiao dahil sa pagkakataong ito ay una sa Pinoy pug ang paglilingkod sa bayan bilang Senador.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …