Saturday , November 23 2024

Libreng wi-fi sa MRT sagot ng Globe

PINAYAGAN ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang Globe na magamit ang mga train station sa buong metro-polis sa pagtatayo ng  network infrastructure na magpapalawak sa mobile internet experience at connectivity ng mga pasahero.

Lumagda ang kompanya sa isang memorandum of understanding sa Metro Railway Transit (MRT), isang attached agency ng DOTC, na nagpa-pahintulot sa Globe na maglagay ng wireless internet infrastructure sa lahat ng MRT Line 3 stations sa EDSA.

“In line with the two organization’s commitment to continuously improve the lives of its customers and the Filipino people in general; this partnership is a milestone that is expected to improve the experience of the public riding the MRT, including those in the communities surrounding the MRT stations. With the support of government agencies such as the operators of the MRT Line 3, we hope to change the experience of our customers in high foot traffic areas and strategic locations such as public transport systems,” pahayag ni Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Governance, Network Technical Group, kasabay ng pagsasabing marami sa mga customer ng kompanya ang naghahanap ng internet connectivity hindi lamang sa kanilang mga opisina o bahay, kundi maging habang sila ay bumibiyahe.

“By providing a reliable mobile and Wi-Fi internet connectivity, our customers will be able to catch up on emails, keep updated on online entertainment and other communication requirements to further enhance their digital lifestyle even while on their way to work or after work,” aniya.

Sinabi ni Agustin na ang proyekto ay makatutulong din sa pagtugon sa problema sa mobile signals sa kahabaan ng EDSA, lalo tuwing rush hours. Aniya, ang karagdagang kapasidad na dala ng macro sites at small cells deployment ay makatutulong upang mapaluwag ang mga peripheral area sa paligid ng train stations, na magkakaloob ng ‘improved mobile experience’ sa mga  customer.

Bukod sa pagpapalawak sa network capacities sa mga major area na may commuter traffic, ang Globe ay magkakaloob din ng libreng Wi-Fi services sa lahat ng  MRT Line 3 stations. Inaasahang mabibiyayaan nito ang may 350,000 commuters na magkakaroon ng libreng Wi-Fi access sa loob ng 30 minuto araw-araw.

Naglaan ang Globe nga-yong 2016 ng capital expenditure na $750 million,  mala-king bahagi nito ay gagamitin sa pagpapalakas ng data capacity at pagpapalawak ng maaabot ng network.

Kaugnay sa bisyon na maisulong ang isang ‘digital nation’ ang pagtatayo ng network ay magpapalawak din sa kapasidad ng network kapwa sa mobile at wirelines gamit ang iba’t ibang teknolohiya, kabilang ang 3G, LTE at Wi-Fi.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *