BILANG romantic couple, hindi inaasahang magkakasundo sina Daisy at Frank.
Si Daisy, isang French bulldog, at si Frank, isang koi fish, ay ‘madly in love’ at wala silang problema sa PDA (public display of affection).
Ganito ang mailalarawan sa precious videos na naka-post sa Instagram ng kanilang amo na si Carrie Bredy.
“I don’t know how it happened first, but Frank would come right up to her and [Daisy] dipped her face down to the water and they started kissing,” pahayag ni Bredy sa ABC News. “We thought it was a joke or a fluke, but this continued every time.”
“It still amazes me,” isinulat ni Bredy sa Instagram. “She ignores the other fish, and waits for him.”
Bagama’t nakatutuwa, ang kanilang relasyon ay hindi ito makabubuti sa kalusugan ni Frank. Ayon kay Harry Ako, isang aquaculture researcher and biology professor sa University of Hawaii, sina Daisy at Frank ay hindi talaga nagpapakita ng pagmamahal. “The koi is nibbling, hoping the dog’s tongue contains algae,” pahayag ni Ako sa The Huffington Post sa email.
Sinabi ni Ako, may nakita na siyang herbivore fish na ganito ang gawi, at sang-ayon siya na ito ay cute tingnan, ngunit hindi ipinapayo ang paghawak sa isda dahil ang tao o hayop ay maaaring makahawa sa kanila ng sakit.
Aniya pa, bilang patakaran, hindi isinasawsaw ng mga aquaculturist ang kanilang mga kamay sa fish pond water. “You may give them a disease,” aniya, “especially if you have been touching other fish.”
Kaya makinig ka, Daisy. Para sa ikabubuti ng kalusugan ni Frank, dapat nang itigil ang paghalik. (THE HUFFINGTON POST)