INAKUSAHAN ang isang Michigan woman nang pagpatay sa kanyang mister, at ngayon ay nais ng ‘prosecutor’ na gawing testigo ang ala-gang parrot ng biktima upang maipakulong ang akusado.
Si Glenna Duram ay kinasuhan kaugnay sa May 2015 murder sa kanyang mister na siMartin, sa kanilang bahay sa Ensley Township.
Ayon sa mga awtoridad, si Martin ay limang beses na binaril, kabilang ang isang beses sa ulo. Si Glenna ay mayroon ding tama ng bala sa kanyang ulo.
Sa simula, hinihinala ng pulisya na pinasok ng magnanakaw ang bahay ng mag-asa. Ngunit naging suspek si Glenna makaraan matagpuan ng mga imbestigador ang baril sa kanilang bahay, gayondin ang sinasabing suicide notes na isinulat ng ginang para sa kanyang dating mister at mga anak.
Kombinsido ang dating misis ni Martin Duram, na si Chritine Keller, nasaksihan ng alagang African gray parrot ng biktima, na si Bud, ang buong insidente.
Napunta sa pag-aalaga ni Keller ang ibon makaraan ang insidente, at nagulantang sa lumalabas sa bibig ni Bud.
“Two weeks after the incident, Bud started going into rants I couldn’t explain,” pahayag niya Fox17Online.com. “Screaming, yelling, and always ending with ‘don’t f***ing shoot!’ I believe with all my heart that those are pretty close to last words of Marty.”
Si Glenna Duram ay kasalukuyan nang nakapiit sa Newaygo County Jail at hindi pinayagang makapaglagak ng piyansa.
Nakuhaan na ng video si Bud habang binibigkas ang katagang “Don’t f***ing shoot!” Maaaring gamitin ito ni prosecutor Robert Springstead sa korte, ngunit kailangan munang madetermina kung maaaring tanggapin ang ano mang sinasabi ng ibon.
“It’s an interesting novelty and it’s been a great opportunity for me to learn about African parrots,” pahayag niya sa Detroit Free Press. “It is something we are going to be looking at to determine if it’s reliable to use or if it’s information we need to prosecute this case.”
Nauna rito, hindi pa kombinsido si Springstead na maaaring gamitin bilang testigo ang ibon, nang kapanayamin noon ng Associated Press. Pahayag niya, “highly doubts there is any precedent” na ginamit ang paulit-ulit na sinabi ng parrot bilang ebidensiya.
Hindi maaaring maging actual witness si Bud sa prosekusyon, ngunit posibleng ang video niya habang sinasabi niya ang katagang “Don’t f***ing shoot!” ay maaaring tanggapin bilang ebidensiya.
Ito ay kung mapatutunayan na hindi ito sinabi ng ibon bago maganap ang murder.
Naniniwala si Samuel Carr, isang parrot buff ng San Diego, na si Bud ay may kakayahang muling likhain ang bagay na kanyang nasaksihan.
“There’s a good chance [Bud] basically had a PTSD breakdown and is repeating the last thing his favorite person said,” pahayag ni Carr. “Is it provable though? That’s tough, unless it can be proved his people never used that phrase.”
Si Glenna Duram ay naging tagapag-alaga ng kanyang mister makaraan masangkot si Martin sa aksidente sa sasakyan noong 1990s. Sa testimonya ng pamilya, madalas mag-away ang mag-asawa ngunit hindi pisikal, ayon sa CBS Detroit.
Sa mga dokumentong nakalap ng Fox17Online.com, sinasabing si Glenna ay madalas magbiro na hinihintay niyang mamatay na ang kanyang mister. (THE HUFFINGTON POST)