ANO ang feng shui sa mga halaman sa bedroom? Good feng shui o bad feng shui ba ito?
May mababasa sa ilang feng shui books na nagsasabing huwag maglalagay ng halaman sa bedroom dahil kailangan itong diligan at ang tubig ay bad feng shui sa bedroom.
Ngunit mayroong nagsasabing ang mga halaman ay good feng shui dahil inaalis nito ang carbon dioxide sa hangin.
Ngunit ano ang ginagawa ng halaman sa gabi? Naglalabas sila ng carbon dioxide sa hangin.
At ano ang iyong ginagawa sa gabi? Maaaring natutulog sa bedroom. Kaya ang mga halaman sa bedroom ay hindi best feng shui idea.
Feng shui-wise, ang halaman ay kumakatawan sa paglago at malusog na pamumuhay, at hindi eksaktong enerhiya na iyong kailangan sa bedroom. Ngunit hindi sinasabing ang maliit na halaman, lalo na sa malaking bedroom, ay bad feng shui. Hindi ganoon.
Tandaan, ito ay para lamang sa bedroom, dahil sa ano mang lugar sa bahay, ay excellent feng shui ang mga halaman, lalo na’t mataas ang level ng indoor pollution sa karamihan sa mga bahay at opisina.
ni Lady Choi