Change is coming sa MPDPC
Bong Ramos
June 28, 2016
Opinion
NATAPOS rin ang eleksiyon ng mga bagong opisyal ng Manila Police District (MPD) Press Corps nitong nakaraang linggo na labis na ikinatuwa nang marami dahil sa wakas ay natuloy na rin sa kabila ng ilang posponement sa ‘di malamang dahilan.
Dalawang partido ang lumahok at nagtunggali sa sinasabing pinaka-kontrobersiyal na eleksiyon sa MPD Press Corps election.
Ang dating administrasyon na pinamumunuan ni Pangulong Francis Naguit ay MOVE ON ang naging battle cry samantala ang oposisyon na Team Pagbabago na dinadala naman ni Mer Layson bilang Pangulo ay merong layunin ireporma ang nasabing press corps para sa tunay na pagbabago.
Napag-alaman rin natin na ilang opisyal ni Naguit ang nag-resign nitong mga nakalipas na buwan dahil desmayado sila sa pamamalakd ni Naguit.
May issue kasi na umano’y sila-sila lang ang nakikinabang sa mga biyaya at benepisyong tinatanggap ng nasabing press corps?
Pansarili raw at merong vested interest si Naguit na ilang beses nang pabalik-balik bilang Pangulo ng press corps?
Mariin naman itinatanggi ni Naguit ang mga akusasyon sa kanya bagkus ay isa lang daw itong propaganda para siya raw ay sirain.
Sa atin panig ay wala naman tayong ibang hinahangad kundi ang pagkabuklod para sa kapakanan at asenso ng MPD Press Corps.
Lumabas na nga ang hatol ng mga miyembro ng MPDPC, at ang nagwagi ay si MER LAYSON.
Kasama ang mayorya ng kanyang tiket ay nagsipagwagi rin sa kanilang programang pagbabago.
Mabuhay kayo mga katoto!
Change is coming sa MPDPC!
Kakaibang rally dispersal mungkahi ng isang MPD offical
Lutas na aniya ang problema para sa isang matahimik na pamamaraan sa dispersal ng rally.
Gaano man kalaki, gaano man sila kakulit ay siguradong maghihiwalay at mabubuwag sila nang tahimik at walang masasaktan o makakanti man lang.
Bilang pagtupad sa maximum tolerance sinabi ng isang opisyal sa MPD na ayaw magpabanggit ng pangalan na ito raw ang pinakamabisang paraan upang maipatupad ito.
Garantisadong NO HARM.
E ano naman kako ang sinasabi mong paraan sir?
Simple lang aniya pero huwag kang tatawa dahil seryoso ako sa aking minumungkahi.
Sinabi niya na ang dagliang lunas nito, sa halip na tubig ang ibomba ng mga firetruck ng bombero ay palitan ito ng dalawang truck ng MALABANAN na puno ng dumi at ebakski ng mga tao.
Hanep ka Sir!
Ang problema lang aniya dito ay baka daw ma-human rights violation sila pero tiyak naman na walang violence, dagdag ng matalinong opisyal.
Sa ganang akin, napakababoy naman ng sistemang ito. Problema rin dito ay siguradong babaho ang lugar na pinagdausan ng rally at ang mga taong mabobomba.
Bakit hindi mo ito kako imungkahi kay MPD District Director Gen. Rolando Nana o kaya’y idirekta mo na kay incoming Philippine National Police (PNP) Chief Bato de la Rosa?
Tatlong option lang naman ang puwede mong sugalan Sir Matalino, ma-promote, ma-demote o masibak ka kapag ginawa mo ‘yan!