Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Oyo Sotto, never binawalan si Kristine na magtrabaho

KINUHA namin ang update sa insidente sa Alabang noong September 2015 na muntik nang masagasaan sina Oyo Sotto at kasama nito ng isang kotse.

“A ‘yung naka-Congressman na plate?A wala na, eh. Hindi ko alam kung ano rin nangyari sa kanya pero mukhang siguro, baka alam niyang siya ‘yun so, tumahimik na lang,” pakli niya.

Sad to say, hindi na raw nakilala ni Oyo kung sino iyon.

Samantala, finally natuloy na rin ang pagsasama nina Oyo at Kristine Hermosa sa isang sitcom.

“Kasi noong bagong kasal kami, gusto talaga naming gumawa ng sitcom na magkasama kami. Pero ang dami kasing nangyari, eh. Nabuntis siya agad, tapos nasundan na  naman, tapos ngayon buntis na naman. Parang nagpaplano kami noon na, ‘Tara ipon tayo tapos mag-produce tayo kahit maliit lang. I-present natin sa GMA or ABS, tingnan natin kung sino ang bibili. Eh, hindi natuloy pero iyon, eto natuloy na,” pahayag ni Oyo.

Natuwa naman silang mag-asawa dahil noon pa gustong bumalik ni Kristine pero comedy o action ang gusto niyang gawin. Gusto niya ay light lang ang gawin dahil nagsawa siya talaga sa pagdadrama.

Hindi naman daw hinarang ni Oyo ang alok kay Kristine na project kahit buntis ito.

“Never ko naman siyang binawalan, basta sabi ko nga sa kanya kung okay sa kanya at okay sa doktor niya, walang problema,” pakli ng aktor.

Wala naman daw cut-off  si Kristine dahil mabilis namang natatapos ang kanilang taping. Pinaka-late na raw ‘yung 12 midnight ito matapos.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …