Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Story of Love, may kurot sa puso

KAGABI ginawa ang premiere night ng The Story Of Love na idinirehe ni GM Aposaga. Handog iyon ng ABG Film International Productions na ipalalabas na sa June 22.

Pinakapasadong pelikula ito ni Direk GM na tinatampukan nina   Kyline Alcantara, Francis Magundayao, Ma. Isabel Lopez, Dianne Medina, Jong Cuenco, Joshua Nubla, Katrina Paula, Ynez Veneracion, Via Veloso, Jef Gaitan, at introducing sina AJ Ocampo at Princess Flores.

Napanood na namin ang The Story Of Love  mula sa imbitasyon ni Direk GM. Ilang beses kaming umiyak lalo na sa massacre scene ng mga bandidong cast. Inspirational din ang naturang pelikula na  hindi balakid ang kahirapan at pinagdaraanan sa buhay para isawalang bahala ang edukasyon.

Istorya ito ng isang guro na napadpad sa bundok para magbigay ng libreng pagtuturo sa taong yapak (NPA) na ‘di nakaranas makapag-aral at ‘di nakaranas ng respeto.

In fairness, maganda ang istorya ng pelikula, heartwarming at may pinatutunguhan.

May kanya-kanyang highlight  ang mga cast at superb ang acting nina Kyline at Francis lalo na  ang mga batang sina Joshua, Princess, at si AJ. Nag-shine talaga sila sa kanilang mga eksena.

Ang The Story Of Love ay dapat mapanood ng mga estudyante dahil marami silang matututuhan. May kurot ito sa puso at magmumulat sa ating kamalayan.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …