Friday , November 15 2024

60-anyos lola nag-enrol sa kinder (Sa GenSan)

GENERAL SANTOS CITY – Pinatutunayan na epektibo raw ang panawagan ng Department of Education (DepEd) nang pumasok sa unang araw ng klase ang 60-anyos lola sa kinder 2 sa New Society Central Elementary School.

Kinilala ang pinakamatandang mag-aaral na si Delia Tusan, residente ng Lanton, Apopong sa lungsod.

Nitong nakalipas na summer ay pumasok din sa special class si Tusan kaya ngayong pasukan ay nasa kinder 2 na siya kasama ang kanyang mga apo.

Sinabi niyang hindi pa huli ang lahat para mag-aral dahil mahirap sa isang tao na walang pinag-aralan.

Marunong na rin siyang bumasa, sumulat ng kanyang pangalan at aktibo sa recitation ngunit kailangan pang mahasa ang kanyang karunungan, ayon sa kanyang adviser na si Teacher Divine.

Una rito, sinabi ni Gloria Tolentino, principal ng nasabing paaralan, hindi hadlang ang edad para makapag-aral.

Bukod kay Tusan, isang 37-anyos ina ang kanyang naging kaklase.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *