Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nakahihiya

DAHIL sa antas ng teknolohiya sa ngayon ay nagagawang i-monitor ng ibang bansa ang mga kaganapan sa ating bayan “in real time.”

Kaya isa sa mga trabaho ng mga ambahador ay i-monitor ang galaw at kilos ng isang pinuno ng bansa kung saan sila naka-assign para makagawa ang kanilang gobyerno ng mga patakaran at polisiya na iaangkop sa kanilang paikikipag-ugnay sa tinatawag na host-country.

Kaya lahat ng ginagawa at sinasabi ng ating paparating na pangulo ay alam na alam ng mga pinuno ng ibang bansa. Ang kanyang walang patumanggang pagmumura at paninipol ay batid na ng mundo. Dahil dito, hindi malayong akalain ng mga taga-ibang bansa tayo ay isang lahi na walang asal. Hindi rin malayo na maging palamura at palasipol tayong lahat dahil sa impluwensiya ng papasok na pinuno.

Nakahihiya.

* * *

Kung ako kay paparating na ikalawang pangulo Leni Robredo ay hindi na ako tatanggap ng kahit na anong poder mula sa paparating na pangulo. Mas makabubuti sa kanya na huwag makilahok sa paparating na administrasyon.

* * *

Hindi dapat ipagmalaki ng mga tagasuporta ng paparating na pangulo ang 16 na milyong boto na kanyang tinanggap nitong nagdaang halalan. Hindi nila dapat makalimutan na 25 milyon naman ang hindi bumoto sa kanya. Higit ito ng siyam na milyon sa bilang na kanilang ipinagmamalaki.

* * *

Wala tayong tutol sa anti-crime campaign ng paparating na administrasyon. Tama na limasin ang mga kriminal, kabilang na ang mga drug lord, mula sa ating mga lansangan pero dapat lahat ito ay idaan sa proseso. Ito ang dahilan kaya mayroong “Bill of Rights” sa ating kasalukuyang Saligang Batas.

* * *

Ibig kong batiin si Pareng Jerry Yap – maligayang kaarawan p’re. Dalangin ko ang iyong tagumpay at harinawa ay manatiling malusog. Mabuhay ka.

* * *

Sa wakas tamang bangkay ang nadala ng isang funenariang Israelita sa isang pamilya sa Pampanga na nagluluksa. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website,www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …