Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miss World 2013 Megan Young sasabak sa comedy (Mark Herras magpapanggap!)

Handa nang ipakita ng Miss World 2013 Megan Young ang kanyang comedic side sa upcoming show niya sa GMA ang Conan, My Beautician. Makakasama niya rito for the first time ang Bad boy of the Dance Floor na si Mark Herras.

Tsika ni Megan, first niyang sasabak sa comedy genre, kaya naman excited na siyang ipakita ang kanyang kakulitan.

“I don’t think I remember doing a comedy show ever in my whole career so that’s a big thing for me. I’ve done drama, I’ve done ‘yung mga kilig-kilig but never comedy. It’s exciting, it’s fun, and I’m looking very much forward to it,” Megan says with a smile.

Mark Herras magpapanggap!

Tila malalapit talaga sa mga beauty queen ang aktor na si Mark Herras. Nililigawan kasi niya ang beauty queen/actress na si Winwyn Marquez at makakatrabaho pa niya ang Miss World 2013 na si Megan Young sa upcoming program niya sa GMA News TV na Conan, My Beautician.

Sa nasabing serye, magpapaka-beki ang aktor dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa kanilang buhay. Inamin niya na medyo nata-challenge siya sa role na ipinagkatiwala sa kanya ng Network.

“Nata-challenge rin ako. It’s a nice opportunity rin para hindi rin ako makahon sa isang klaseng karakter at mapakita sa mga tao at sa GMA Network na they can see me doing different roles like this,”

Mark asseverates.

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …