Friday , November 15 2024

3 nene niluray ng tiyuhin

SWAK sa kulungan ang isang 57-anyos diswasher makaraan halayin ang tatlong dalagitang magkakapatid na kanyang mga pamangkin sa Malabon City.

Nahaharap sa kasong statutory rape at dalawang bilang ng kasong acts of lasciviousness ang suspek na si Rogelio Dandan, residente ng Brgy. Longos ng nasabing lungsod.

Ayon kay Senior Insp. Rosility Avila, hepe ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Malabon City Police, unang minolestiya ng suspek ang 11-anyos pamangkin na si Katrina noong Mayo ng nakaraang taon.

Sa pahayag ni Katrina kay PO2 Ma. Lea Balderama, dakong 6 a.m. natutulog siya sa loob ng kanilang bahay nang gapangin ng tiyuhin at hinalay. Pagkaraan ay tinakot na siya ay papatayin kapag nagsumbong kahit na kanino.

Habang nitong Abril, 2016, nagising ang kapatid ni Katrina na si Joan, 8-anyos, na hinihimas ng suspek ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Pagkatapos ay tinakot ng suspek ang pamangkin na huwag magsusumbong kahit kanino kung ayaw niyang may masamang mangyari sa kanya.

Dakong 3:45 a.m. kamakalawa, ginapang at pinaghihipuan din ng suspek ang pinakamatanda sa tatlo na si Sherly, 13-anyos at pagkatapos ay tinakot din na papatayin.

Ngunit hindi nagdalawang-isip na isinumbong ni Sherly sa kanilang ina ang ginawa ng suspek.

Bunsod nito, sinamahan ng ina ang anak sa himpilan ng pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Gayonman, laking gulat ng ina nang ipagtapat ng dalawa pa niyang anak na babae na maging sila ay nilapastangan din ng tiyuhin.

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *