Friday , November 15 2024

Recount sigaw ng Lim supporters

VIRAL ang resulta ng bilangan ng boto sa Maynila na ipinalabas ng Commission on Elections (Comelec) dakong 7:00 p.m. nitong Mayo 9 at lumikha ng panawagan para sa agarang ‘recount’ at ‘people power’ sa lungsod.

Nagtungo kahapon ang libong supporters ni dating Mayor Alfredo S. Lim sa tower building na kanyang tinitirhan, dala ang reklamo ukol sa malaking diperensiya ng umano’y ‘final results’ na ini-announce ng Manila Board of Canvassers nitong Mayo 10, kompara sa May 9 results at hinihingi din nila ang paliwanag ng Comelec ukol dito.

Kinuwestiyon nila ang kredibilidad ng mga miyembro ng nasabing board na humawak ng canvassing sa Rizal Coliseum.

Ganoon din ang ilang kuwestiyonableng insidente dahil sa usad-pagong na prosesong umabot nang halos 15 oras.

 Kinilala ang mga miyembro ng canvassing board sa pagunguna ng chairman na si Atty. Antonette Aceret, vice chair Fiscal Edward Togonon, Dr. Wilfredo Cabral at operator Mario Razos, Jr.

Kahapon, dalawang Facebook accounts ang nabuksan, isa ay nananawagan ng recount,  ‘Mayor Fred S. Lim Laban Natin ‘To at isa pa na nagfa-fund-raising, ang “Piso kada boto,” na binuksan ng isang Mhalou Laderas, isang  concerned citizen mula Tondo, Maynila.

Gagamitin ang makakalap na pondo para sa recount na gustong mangyari ng Lim supporters.

Sinabi ni Laderas, siya mismo at kanyang mga kaibigan ay nanood sa buong canvassing process sa Rizal Stadium at nakita nila na maraming kahina-hinalang insidente gaya ng voting counting machines o minsan SD cards na lang ang dumarating, pasado hatinggabi hanggang bago mananghali na hindi umano kinukuwestiyon ng canvassers kung bakiit inabot nang ganoon katagal bago maideliver.

“Magpa-recount po tayo, piso kada boto para sa lahat ng bumoto kay Mayor Lim, magsama-sama po tayo para sa recount,” ani Laderas.

Dala din ng supporters ni Lim ang mga larawan ng nai-flash sa ABS-CBN na sinasabing ‘as of 7 p.m.’ ng May 9 ay nakakuha si Lim ng 325,178 votes at si dating president Joseph Estrada naman ay nakakuha ng 162,677 votes. Ang nasabing bilang ay ‘partial and unofficial (Comelec transparency server)’ at kasabay ng resulta sa Makati City, Quezon City at Caloocan City.

Sa final results na inianunsiyo ng Comelec sa Rizal Coliseum, bumaba nang malaki ang boto ni Lim sa 280,464 samantala malaki ang itinaas kay Estrada, 283,149.

Sa bilang na inilabas ng ‘Halalan 2016’ sa parehong TV station, pare-pareho umano ang bilang ng boto para sa mga pares-pare ng kandidato.  Sina Estrada at runningmate Honey Lacuna ay parehong may 253,347 votes; Lim at vice-mayoral candidate Ali Atienza, parehong 250, 511 votes at sina Rep. Amado Bagtsing at Atong Asilo ay parehong 150,733. Ito ay  ‘partial official results (Manila)’ na mula sa 89.28 percent o 1,510 mula sa 1,681 polling precincts sa Maynila.

Bitbit din ng nasabing supporters ang kopya ng Comelec-printed election returns para sa local positions sa Sampaloc, Maynila na  ipinakikita ang boto nina Estrada at Lacuna na parehong 122.

Ayon sa legal counsel ni Lim na si Atty. Renato dela Cruz, inihahanda nila ang  paghiling na balewalain ang proklamasyon ni Estrada.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *