Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina, naka-take 7 sa pakikipaghalikan kay Derek

HINDI totoong nailang si Shaina Magdayao sa kissing scenes niya with Derek Ramsay para sa pelikulang My Candidate  na showing na sa May 11.

“Grabee…Big deal talaga ‘yung take 7?,” reaksiyon ni Shaina nang ibuking niDirek Quark Henarez na umabot ng seven takes ang kissing scene nila ni Derek para madama ng moviegoers  ang tunay na pagmamahal sa character nila.

“Hindi po ako nag-hesitate. Ha!ha!ha!,” sey pa niya.

Hindi rin totoo na kaya pinagtambal sila ni Derek dahil pareho silang ex nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban.

“Si  Atty (Joji Alonso, producer), mismo ang nagsasabi na hindi totoo. Actually, hindi nga sumayad sa isip namin..ni hindi nga namin napag-usapan ni  Derek,”sambit pa ni Shaina.

Isang ideal candidate ang role ni Derek na hinubog ni Shaina sa public speaking at pakikiharap sa mga tao. Kalaban niya rito ang ex-girlfriend niyang si Iza Calzadona lihim na pinagseselosan niShaina.

“Si Shaina, very complicated ang personal life. Marami siyang hugot pero we don’t want to be dramatic naman. Strong ang character niya at ako naman ay weak na hindi marunong kumonek ng distrito ko,” kuwento ni Derek.

Napanood na namin ang My Candidate. Sobrang tawa namin sa maraming eksena sa pelikula kaya ‘wag isipin na sobrang seryoso ang movie na ito ni Direk Quark Henares.

“We don’t want to become satire, too serious. May isang scene na parating nangyayari sa campaigning like pumunta sila sa bahay ni Mayor.Tapos may opening prayer tapos may cross-dresser na host, tapos biglang may sexy dancers. Usual Filipino election in the Philippines,” sey ni Direk Quark.

Sayang at tapos na ang eleksiyon bago ipalabas ito dahil maraming lessons na matututuhan kung paano magiging mabuting kandidato at ilang tips para maging effective sa pangangampanya.

Parehong magaling sina Derek at Shaina sa My Candidate. Ibang Shaina ang mapapanood dito dahil sa kakaibang tema ng pelikula. Sobrang yummy pa rin, guwapo at super hot ni Derek sa movie. Siya pa rin ang Romantic Comedy King. Good kisser pa rin siya sa kissing scene nila ni Shaina.

Panalo rin ang role ni Kepchup Eusebio dahil bubusugin niya tayo sa katatawa. Magpapasilip talaga siya ng isang pisngi ng ‘puwet’ at siya ang bagong Lavacara King.

Swak ang pagiging supporting ni Iza Calzado dahil napakagaling. Very halimaw, plastikada naman ang role niya. May pasabog si Derek nang magdebate sila na dapat abangan.

Effective rin si Nico Antonio bilang gay na Chief of Staff ni Derek. Puwede siyang ma-nominate sa mga award giving bodies sa magaling niyang performance, huh!

Kung mainit man ang labanan ng mga supporter ng bawat kandidato kaugnay ng May 9 election, ang My Candidate ang sagot na pelikula upang ang init na nararanasan ay mapawi ng tuwa, saya, at pag-ibig sa May 11. Magsasambulat talaga ito ng  aliw. Ito ay prodyus ng Quantum Films, MJM Production, Butchi Boy Films, at Tuko Film Production. Ito rin ang production na gumawa ng mga pelikulang  English Only Please at Walang Forever.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …