MAKARAAN ang ilang buwan na paghahanda, nakamit ni Tim Peake ang ‘out-of-this world achievement,’ siya ang naging unang tao na nakompleto ang marathon sa kalawakan.
Ang British astronaut ay tumakbo sa London Marathon habang naka-strap sa treadmill lulan ng International Space Station. Ang kanyang final time: tatlong oras, 35 minuto at 21 segundo.
Sinasabing ang ISS ay naglakbay sa buong planeta nang mahigit dalawang beses sa buong oras na nakompleto ni Peake ang karera.
“Gonna sleep well tonight,” pahayag ng Twitter kasunod ng kanyang ‘achievement’.
Ayon sa The Guardian, nilibang ni Peake ang sarili habang tumatakbo sa pamamagitan ng panonood ng TV coverage ng marathon gamit ang interactive app na RunSocial, naging paraan upang siya ay makalahok sa digital version ng event.
(THE HUFFINGTON POST)