Sunday , December 22 2024

Ali kay Fred Lim lang — Lito

“Walang ibang ineendoso at sinusuportahan si (vice mayoral candidate) Ali (Atienza) na kandidatong mayor bukod kay Mayor Alfredo Lim.”

Ito ang mariing sinabi kahapon ni BUHAY Party-list Congressman Lito Atienza, nang kanyang gawing opisyal ang tandem ni Lim at ng kanyang anak na si Fifth District Councilor Ali Atienza, sa isang press conference, na ang ginamit na backdrop sa likod ni Rep. Atienza ay isang malaking tarpaulin na ipinakikita sina Lim at Ali na nagkakamay at may caption na, “Sagipin ang Maynila.”

Nang hingan ng komento hinggil sa pahayag ni Rep. Amado Bagatsing na sila pa rin ni Kon. Ali ang magkasama, sinabi ni Atienza: “Nananaginip siya…kung ano ang gusto niyang gawin, gawin na niya… pag pinira-piraso mo ang katauhan ni Ali, Lim ang lalabas.”

Abala aniya si Ali sa pagkampanya para sa nasabing tandem kaya wala siya sa press conference.

“Alam ko ang puso ni Ali.  Anak ko ‘yan e. Mahal niya ang Maynila.  ‘Pag siya na ang vice mayor, hindi niya pababayaan ang Maynila.  ‘Pag si Lim ang naging mayor, lalo na!” ani Atienza, kasabay ng pahayag na iisa ang pananaw at layunin nina Lim at Ali na maibalik sa Maynila ang libreng serbisyo sa mga ospital na ipinatupad ng administrasyon ni Lim, ang pag-alis ng 300 percent increase sa amilyar na ipinatupad ng gobyerno ni dating pangulong Erap Estrada at gawing libre muli ang paggamit ng mga playground at sports complexes.

Binigyang-diin din ni Atienza, ang mga kilos aniya ni Bagatsing bilang isang kandidato para alkalde ay pawang kaduda-duda, kung kaya’t naniniwala sila na hindi siya seryosong kandidato.  Aniya, matagal nang kumakampanya si Kon. Ali nang solo at nagpahayag si Bagatsing sa isang press conference kasama ang showbiz reporters, na hindi niya kalaban si Estrada.

Ikinompara ni Atienza ang labanan sa pagka-mayor sa isang boxing match, na hindi aniya tutumba ang kalaban kung hindi mo susuntukin at batay sa mga nangyayari, si Lim lang ang masasabi niyang tunay na oposisyon na tumutuligsa sa mga kamalian at kapalpakan ng administrasyon ni Estrada, ‘dahil Bagatsing is for Bagatsing. ‘Di siya totoong kalaban ni Erap.’

Ikinatuwa at pinalakpakan ng mga dati at kasalukuyang barangay chairman ang pag-anunsiyo ni Atienza ng Lim-Ali tandem at ayon sa kanila, kinabibilangan ng mga loyal supporters ni Atienza na sina dating Liga ng Barangay president Jojo Beltran, chairman Noli Mendoza at Boy Majabague at three-term chairman Naning Ponce at anak na si Ryan Ponce, lubos silang tutulong na maikampanya ang Lim-Ali tandem.

Ani Atienza, kahit pa isang linggo na lang ay eleksiyon na, hindi pa huli upang ideklara ang tambalang Lim-Ali at malaki pa rin ang magagawa nito dahil kasama ng mga supporter ng magkabilang kampo ang nakararaming taga-Maynila na nais ibalik ang mga libreng serbisyo sa ospital sa buong lungsod at alisin ang mga pahirap na kanilang naranasan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Tiniyak na rin aniya ng kanilang mga supporters na mga opisyal na barangay na gagamitin nila ang lahat ng kanilang impluwensiya sa mga komunidad upang tiyakin na magwawagi ang Lim-Ali tandem para sa  ikabubuti ng lungsod.

“Malinis ang aking konsensiya, malinaw ang aking pag-iisip. Si Mayor Lim lang ang puwedeng makasama ni Ali sa pagsagip sa Maynila. Ang Lim-Ali tandem ang patunay na may solusyon pa ang problemang kinalulugmukan ng Maynila,” dagdag ni Atienza.

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *