MAGANDA ang aura ni Meg Imperial na napapanood sa TV5 Primetime soap na Bakit Manipis ang Ulap at sa Sunday variety/ game show na Hapi Truck Happinas. Ayaw niyang mag-entertain ng mga negang isyu lalo na sa isang starlet na minamaldita siya.
Wala naman sa tipo ni Meg ang makipag-away at mam-bully ng kapwa niya artista. ”Love…love..love” na lang ang drama niya. Hindi naman daw niya pagkakakitaan kung makikipag-away lang siya.
Blooming siya hindi dahil sa lovelife kundi dahil may bago na naman siyang trabaho. Inspired siya tuwing may nakukuha siyang work. Bukod dito, maganda ang takbo ng itinayong negosyo nilang mag-ina sa Naga City. Ito ang Timeless Salon at Spa.
Dinudumog ang salon ni Meg dahil Isine-share niya roon ang kanyang beauty secret. ‘Pag wala siyang taping ay talagang nag-i-stay siya sa salon nila. Balak din niyang magkaroon ng sariling coffee shop at bagong branch ng Timeless Salon and Spa.
At saka na lang daw magbibigay ng oras si Meg sa kanyang lovelife habang wala pa ang lucky guy na magpapatibok ng kanyang puso.
TALBOG – Roldan Castro