Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, gusto na raw magka-anak

“GODBLESS.” Ito ang reaksiyon ng rumored girlfriend ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo sa biro ng Teen King na, “Ngayong 21 na ‘ko puwede na akong mag-anak.”

Bagamat na-shock ang audience sa deklara ni DJ sa Himig Handog, hindi maitatatwa na ganap na siyang binata sa kanyang edad at puwede na rin siyang magka-baby kung gugustuhin  niya. Malaki na ang naipon niya at kinita sa showbiz kaya puwede na talaga siyang bumuhay ng anak. Pero kung career niya ng iisipin niya, hindi pa talaga ito ang tamang panahon.

Binawi naman ng Teen King ang pahayag niya at sabay sabing joke lang ‘yun. Gusto lang daw niya na iba ang marinig ng mga tao na sagot niya dahil nakasasawa na rin ‘yung mga safe na statement.

“Binigyan ko lang sila ng ikaka-shock nila. Pero gusto kong mag-anak pero hindi pa ngayon,” paliwanag niya.

Pak!

James, mas pinili si Nadine over Hollywood career

ANG haba talaga ng hair ni Nadine Lustre dahil hindi siya nilaglag ng kanyang leading man sa pelikulang This Time na si James Reid.

Sa Fast Talk ng Tonight with Boy Abunda ay laging siya ang pinipili. Sa tanong kung Heart Evangelista o Nadine Lustre? Si  Nadine ang pinili ni James. Si Nadine naman ang itinuro niyang mas magaling maglaro ng computer game.

Tinanong din si James kung kailan siya huling nag-I love you kay Nadine?

“Before I came here,” tugon niya.

Everything naman ang sagot niya sa cutest part of Nadine’s face. Bagay rin daw si Nadine na maging Darna.

Napag-usapan din nila ni Kuya Boy kung nagagalit ba siya kapag masyadong sexy ang damit ni Nadine? Hindi naman daw siya galit pero hindi siya komportable na nakikita ito na seksing-seksi o super igsi ang shorts.

Ang pinakamatapang din niyang nagawa sa tanang buhay niya ay nang sabihan niya ng “I Love You” si Nadine sa kanilang concert.

Sinabi rin niya na may kanta siyang ginawa para kay Nadine na pinamagatang Forever. Bahagi ng lyrics nito ay, “We found forever. I promise I’ll make you believe we found Forever…

Pinamili rin siya kung Hollywood career or a simple life with Nadine?

“Oh, a simple life every day,” pakli niya.

Last question, chocolates or kiss ni Nadine?

“Of course kiss ni Nadine,” sambit niya.

May komportable din si James sa akbay kaysa hawak kamay.  

Nakakikilig!

Career ni Julia, zero pa rin kahit ilang beses nang nagbida

ILANG beses nang nabigyan ng pagkakataon si Julia Barretto pero hindi pa rin makaalagwa ang career. Ilang beses na siyang nagbida sa serye pero waley pa rin.

Mukhang mabigat ang showbiz para kay Julia.

Balitang hinahanapan na naman daw ito ng bagong leading man para sa isang bagong teleserye. Sana nga ay makatisod na siya ng kapareha na magki-click sila.

Iwasan din siguro ni Julia na magpaka-nega, maarte magsalita at pag-aralan niya kung paano siya maabot ng masa.

Dapat maramdaman ng tao na nagpapakatotoo siya para magaan din ang dating niya sa netizens.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …